Forbidden magic power

260 27 1
                                    

Napatingin ako sa likod ko at nakita ang limang iniwan ko, Puro sila galos at sugat, duguan na silang lima. Napatingin ako sa mga taong dapat ay priniprotektahan ko. Naiiyak ako, mukhang pumalpak ako, kita ko din si dean na nakatingin sakin, hirap na hirap na siya.

Ang buong city kung saan kami nakatira na siyang dapat una Kong poprotektahan ay wasak na wasak na, mga gumuhong gusali, halos wala nading nakatayong bahay at mga puno, ni maski daan ay bitak bitak na, magkahalong usok at liwanag ang makikita, at tanging ang mga kalaban nalang at ako ang nakatayo.

That's it!

"Tama na ang paglalaro Damien!" sigaw ko

"Sumapi ka samin tagapag ligtas at paghaharian natin ang mundong to!" nakangising sigaw nito

"Hinding Hindi mangyayari yan!" sigaw ko

Itinaas ko ang aking dalawang kamay para pagalingin ang mga mortal, umilaw ang mga kamay ko kasabay ng pagkawala ng kanikanilang sugat at pagbalik ng kanilang lakas.

Nilagyan ko rin ng unbreakable invisible barrier ang palibot ng mga mortal para maging ligtas sila

"HINDI! MAHAL NA TAGAPAGLIGTAS! PAKAWALAN MO KAMI DITO!" kalampag ni magesta sa barrier ganun din ang apat pero hindi ko na pinansin

"PATAYIN ANG TAGAPAG LIGTAS!" Sigaw ng hari

Agad silang tumira sakin lahat ng tira nila ay pinapabalik ko sa kanila, ang magtangkang atakihin ako ay kinukulong ko sa unbreakable ice ko, nung makita Kong patakbo sila sakin at tinadyak ko ang isang paa ko at nagsitalsikan sila.

Ako naman ang nagpakawala ng atake, Nagpalabas ako ng vines galing sa lupa at ipinulupot sa mga nasa kanan. Tinira ko naman ng ice ball, thunder ball, fire ball, light ball, at mga boomerang crystal glass ang mga nasa kaliwa. Ngunit sadyang Hindi sila nauubos

Unti unti Kong iniangat ang kamay ko kasabay ng paglabas ng mga batong nilalang galing sa lupa

"UBUSIN SILA!" kako at agad na tumakbo papunta sa pinuno ng mga itim na mahekero, pinalabas ko ang legendary sword, inamba ko yon sa kanya ngunit nasangga niya ito

Nagkakalansingan ang aming espada nung bigla ay tumilapon ako at tumama sa invisible barrier

"Phoebe/Mahal na tagapag ligtas!"

Agad naman akong tumayo ngunit pagtayo ko ay may sumaksak sakin, napangisi naman ako

"Tapos kana" sabi pa nito

"HINDI! MAHAL NA TAGAPAG LIGTAS! HINDI!!!" umiiyak na sigaw ni magesta

"PHOEBE!!" sigaw ng apat na kumag

Ngumiti lang ako sa kanila, Hindi dito magtatapos ang buhay ko, tumingin ako sa pinunong to at isinaksak ko din ang espada ko sa kanya

"Ikaw ang tapos na" kako at hinugot ang espada Niya sakin. Agad namang naghilom ang saksak ko

"Hindi dito matatapos ang buhay ko" kako at nginitian ang Lima. Humarap ako Kay panget na dilim.

Masama ang tingin niya sakin, bigla ay gumuho ang lupa at may lumabas na dambuhalang dragon, kasabay ng mga ingay sa himpapawid at iba't ibang klase ng mga dark water magic users.

"Nagsisimula palang ako tagapag ligtas, SUGURIN SIYA!" agad namang sumugod ang mga ito sakin

ang ibinubuga ng dragon ay tinatapanan ko ng ice, ang mga water users naman ay ginagamitan ko din ng tubig, ang mga witches naman ay ginagamitan ko ng lighting. Halos pagod na pagod ako ngunit Hindi sila maubos ubos lalo ang dragong ito

Napaupo nalang ako sa pagkapagod "Suko kana tagapag ligtas HAHAHAHA" tawa niyang malademonyo

Ramdam ko ang pagod at sakit sa buong katawan ko, wala akong madinig na matino. Nanlalabo din ang paningin ko, at feeling ko babagsak na ako ilang oras nalang

Ngumisi ako at pinabagal ang kilos nila

"ZERO! TINATAWAGAN KITA! LUMABAS KA!" Sigaw ko

Ang pag ilaw ng kamay ko ay siya ring paglabas ni zero gamit ang kanyang totoong anyo. Napakalaki ni zero, halos magkasing laki sila nung dragon, ngumit mas malaki ang dragan ng tatlong beses.

Bigla akong lumutang sa ere at lumiwanag ang buong katawan ko, nawawala ang pagod ko at sakit na nararamdaman ko. Pagkababa ko ay nakaharap ako sa mga mamamayan at nakasuot ako ng kulay pink na armor. Nakabalandra din sa harap nila ang tunay Kong mukha

Kaya pala ganun nalang ang gulat ng apat na kumag

Lumabas ang maalamat na zero, sa totoo nitong anyo

Anlaki niya, hindi malaman kung anong klaseng hayop ngunit napakalaki niya

Nanlalaki ang mga mata ng hari ng kadiliman

"Magsisimula na" kako at ibinalik sa dati nilang bilis ang lahat, ako naman ay lumipad at sinalakay si Damien lumipad din siya papunta sakin.

Gamit ko ang forbidden magic power, at gamit naman niya ang magical dark power. Patamaan at puro Iwas lang ang ginagawa namin. Hanggang sa matamaan ko ang kanyang isang kamay, agad na nalusaw ito

"Walang hiya ka!" singhal niya sakin at pinatamaan sa kasamaang palad tumalsik ulit ako sa invisible barrier. Shit!

Kita ko dito ang paglalaban ng mga natitira kong batong nilalang sa mga kalaban at si zero laban sa dragon. Halos Hindi na makilala ang lugar na aming kinakatayuan. Ni hindi ko nga alam kung lugar ba to dati dahil halos durog na ang lahat.

"Ikaw! ang hadlang saking mga plano!" sigaw niya at pinalabas ang kanyang itim na mahika at tumagos iyon sa Tiyan ko

"A-argh" daing ko at napasuka ng dugo

Samo't saring sigaw ang narinig ko mula sa mga mamamayan.

"Mamamatay ka!" sigaw pa nito

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now