Prologue

389 38 3
                                    

Third Person's POV

Sabi nila, ang mga salitang tinuran ng bibig ay madaling pumasok at lumabas sa tainga. Ngunit ang mga salitang naisulat ng pluma, maaaring magtagal ng mahabang panahon.

Nanginginig man at puno ng dugo at luha ang kanyang mukha, ipinagpatuloy niya pa rin ang pagsusulat.

Ang kanyang damit ay napakadungis at nalalayo sa mga magagarbong bestidang palagi niyang sinusuot.

Ang kanyang buhok ay gulong gulo na kapareha ng kanyang isipan. Her golden crown is nowhere to be found.

She's tired. She's exhausted. But she still writes and writes. Maybe, that's her punishment for all the wicked things she have done

"Isang tuldok at matatapos na ang lahat." Sambit niya habang nanginginig na sumusulat sa libro.

She stood from where she's seating and hugged the book tight. Hindi niya alintana ang ingay at kaguluhan sa paligid. Sabagay, siya rin naman ang may gawa ng lahat ng iyon.

Umakyat siya sa pinakamataas na tore ng kanyang palasyo. Pinakamataas na pwesto, pinakamasakit na pagbagsak.

They are right. Ang pagsisisi nga ay palaging nasa hulihan. At ngayon niya lang pinagsisihan ang lahat kung kailan huli na.

Isang hakbang nalang at matatapos na ang lahat.

Pinagmasdan niya ang librong kanyang isinulat. Ang huling librong madamdampian ng kanyang malambot na kamay. Ang librong pinakaespesyal sa lahat ngunit isinumpa.

Kasabay ng pagbagsak ng huling luha sa kanyang mga mata ay ang pagbagsak niya rin sa lupa. Tapos na. Natuldukan na.

"Paalam, Prinsesa Victoria. Tapos na…" sambit ng isang nilalang na nagtatago sa dilim at pinagmamasdan ang pagbagsak ng prinsesa at kanyang kaharian.

Ngunit bago ipikit ng prinsesa ang kanyang mga mata, bago niya tuluyang wakasan ang lahat, ngumisi siya. Isang ngising napupuno ng kasamaan.

"Nagkakamali ka…"

********

Ever AfterWhere stories live. Discover now