XVIII. Leave

104 21 0
                                    

Nagising ako sa malamig na telang dumampi sa noo ko. Iminulat ko ang mga mata ko at inalis ang kumot na nakapatong sa akin.

Soft cotton bed, violet walls, and starry ceiling.

"Gising na ang mahal na prinsesa. Tawagin niyo na ang kamahalan." utos ng taga-silbing nagpupunas ng basang tela sa akin. Dali-dali namang lumabas ang kasama niya.

Teka nga? Nasa palasyo ako? Pero...

"Dalawang araw ka ring walang malay mula nung mailigtas ka namin." napalingon ako sa tagapagsilbi sa tabi ko.

"Giselle?" hindi siya sumagot at umalis na nang dumating sina Queen Lea.

"Thank God, you're now awake! Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo?" sunod sunod na tanong ng reyna.

Pinagmasdan ko ang sarili ko. Wala na ang mga sugat na natamo ko. This world is indeed magical. I remember when I was shot, my wound also healed completely in just two days.

"I shouldn't have let them banish you from our own kingdom," said the king, emphasizing the word 'own'.

"Ano pong nangyari?" I asked. I know what happened to me. The prison, the guys wearing masks. What I want to know is how I was brought back to the palace.

"May tatlong hindi kilalang tao ang nagdala sa'yo rito na sugatan. Pinaghahahanap na ang mga iyon dahil siguradong sila ang gumawa sa'yo niyan." saad ni Ariel. Napailing naman ako. That people might be Giselle, Nickolas, and the sorcerer.

"No, no. Sila ang nagligtas sa akin."

"Nakikilala mo ba ang mga nanakit sa'yo?" tanong ng reyna. Pilit kong inalala ang nangyari pero napapikit nalang ako dahil sumasakit ang ulo ko. I've been awaken from a nightmare.

"It will be better if the princess will take a rest, your highnesses." tumango naman sila sa manggagamot at iniwan akong mag-isa sa kwarto.

Nahiga ulit ako pero hindi na ako makapag-pahinga. It seems like my mind became a heavenly body in the galaxy in my ceiling losing its gravity and wandering nowhere.

Lutang ako.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Giselle. Lahat ng mga tagapagsilbi at kawal na nadaraanan ko ay yumuyuko. I'm back being the fake princess, I guess.

"Giselle!" tawag ko nang makita siyang naglalakad sa isang pasilyo. She looked at me with a blank expression.

"Aalis na rin ako. Nick just asked me to look after you while you aren't awake yet." saad niya at tumalikod na ulit.

"Teka, salamat pala sa pagliligtas sa akin." sambit ko kaya napalingon ulit siya sa'kin.

"Remember that I still don't like royals like you. Ginawa ko lang 'yon dahil iniligtas mo pala ang kuya ko." mataray niyang saad at tumalikod.

Pero hindi pa man siya nakakalayo ay lumingon ulit siya sa akin. "But, your welcome." that time, I saw a little smile drawn in her face.

Aurora is right. Giselle might be quite hostile but she still have a good heart.

* * *

The next day, I forced Victoria's parents to let me attend school already. Nung una ay hindi sila pumayag dahil nga lutang parin ang issue tungkol sa pagkakasangkot ko sa pagpapatakas ng notorious na kriminal. But in the end, I made them agree.

Hindi ko naman talaga gustong pumasok sa klase. I just wanna see and talk to Nickolas. And school is the easiest way to see him.

I siezed the oceans of malicoius stares, ignored those whispers and talks I've heard about me but unluckily, Nickolas isn't here.

Ever AfterWhere stories live. Discover now