XVI. A Sorceress

94 20 0
                                    

Tahimik lang kaming naglakad ni Nickolas patungo sa balon.

Inilapag ko ang dalawang timba at ipinusod ang buhok para hindi mahirapang kumuha ng tubig. Napag-usapan namin ni Nickolas na ako ang kukuha at siya naman ang magbubuhat.

Ngayon lang ako nakapag-igib sa isang balon kaya nag-eenjoy ako. Nakakapit nga lang ako nang mabuti dahil baka may biglang humitak sa akin pailalim.

"I didn't noticed that you changed your looks," saad ni Nickolas na nakasandal sa isang puno at nakatitig sa akin.

Iniangat ko ang huling salok ng tubig bago tumayo. Ngayon niya lang napansin? Dalawang araw na kaya ito.

"Tita Lesly did it," I said. Binuhat na niya ang dalawang timba. Maya-maya pa ay may nadaanan kaming bukid.

"Mauna ka na," saad ko at lumapit sa bukiran para manuod ng paglubog ng araw. Hindi naman siya kumibo at nagpatuloy na sa paglalakad.

Umupo ako sa isang troso ng putol na puno. Kulay kahel na ang langit. Napakaganda.

"A sad kid and a beautiful sunset. What a combination!" napalingon naman ako sa nagsalita.

Isang matandang babae ang nakaupo rin sa troso at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ang gabay ng nakaraan.

Nasasanay na ako sa paglitaw litaw ng mga gabay kaya hindi na ako nagulat na nandito ang isa sa kanila.

"Bakit po ba talaga ako nandito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang araw na ilang sandali nalang ay iiwan na rin ako.

"Dahil may misyon ka. Ganun lang."

"Pero bakit po ako?" liningon ko siya. Bakit ko ba kasi kailangang maranasan 'to. Dapat si Victoria ang nasasaktan ng ganito dahil siya naman ang may kasalanan.

"Hindi ko pa masasagot iyan, hija," saad niya kaya napabuntong-hininga nalang ako.

"Ang rami kong tanong, Lola. Kung bakit ba kamukha ko si Victora? Bakit may mga pangitain ako ni Victoria. Ewan ko ba." kumuha ako ng isang kahoy at iginuhit sa lupa ang pangalan ko. Eerah.

"Patawad, Eerah, pero hindi ko talaga masasagot ang mga katanungan mo." napatango nalang ako.

"Gusto ko nang umuwi,"

"Sino ang kausap mo?" napalingon ako sa nasalita. Nickolas is standing behind me.

"Basta, secret." walang gana kong sagot. Hindi naman nagbago ang seryoso niyang mukha. Ampon siguro ito. Si Dianne at si Tita Leslie ay palangiti.

"Kanina ka pa ba dyaan?" tanong ko. Hindi niya siguro nakikita yung gabay. Baka mukha akong baliw kanina.

"Secret din," napasimangot naman ako. Umupo siya sa troso at pinagmasdan din ang paglubog ng araw.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. I don't mind him sitting beside me. I just wamt to witness this sunset.

"You look sad," napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nakatingin sa akin or what.

"I wanna go home,"

"You were banished from your home, remember?" saad niya kaya napasimangot na naman ako.

"Not there. My real home, my world." I said.

"I always wonder what place beyond the horizon looks like," sabi ko habang pinagmamasdan ang araw.

"The world is round. There's no place beyond the horizon," saad niya.

"There is. Beyond my world's horizon is this world. And beyond your horizon is my world. I wanna go home."

Ever AfterWhere stories live. Discover now