VIII. Don't be thyself

104 24 2
                                    

"Thank God! You're now awake." bungad sa akin ni Queen Lea nang imulat ko ang mga mata ko. Napapikit lang ako ulit dahil sa dilaw na kisame pero nasasanay na rin ang mata ko.

Naalala ko ang mga nangyari kaya bigla akong napabangon ngunit napahiga ako ulit nang kumirot ang tagiliran ko.

"Huwag ka munang gumalaw, Victoria. Sariwa pa ang sugat mo." Queen Lea said while caressing my hair.

"S-Si Dianne? Ayos lang ba siya?" tanong ko.

"Ikaw ang natamaan ng bala tapos ang bata pa ang inaalala mo?" saad ni Ethan saktong pagkapasok niya. Inirapan ko lang siya.

Patay na patay si Victoria sa kanya. Ako naman, gustong gusto ko siyang patayin dahil sa bwisit. Magkaiba nga talaga kami.

"Victoria! Pinag-alala mo kami." sambit ni Ariel at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

I was an only child. I've always dreamt of having a younger sister. And I'm glad that in this world, I can have one. And it's Ariel.

"Gosh, bakit mo kasi hinarang ang bala para sa bata?" saad ni Ashley nang nakapamewang. Umalis naman si Queen Lea upang tawagin ang doktor at ibalitang nagising na ako.

"Loka loka ka! Kung yung bata ang natamaan, sa tingin mo, mabubuhay 'yon?" talak ko sa kaniya. Nakita ko namang nagbago ang ekspresyon nilang lahat. Tila ba hindi makapaniwala sa tinuran ko.

Naalala ko na naman ang pangitain. Hinarang mismo ni Victoria ang bata para sa sarili niyang kapakanan. Nakakamuhi siya.

"But look at you. Paano kung namatay ka? Hindi mo naman pananagutan ang bata para iligtas." saad ni Ariel.

Napayuko lang ako sa sinabi niya. Wala akong kasalanan sa bata. But Victoria has. Sinunog niya ang tinitirhan ng mga mamamayan. And being known as Victoria right now, I felt the guilt.

Dumating na ang doktor kaya umalis na silang lahat. Makaluma lang ang mga ginagawang panggagamot dito ngunit kitang kita ang bisa.

Pinapahinga na ako ng doktor ngunit hindi ako mapakali. Before I lost my consciousness, I saw Dianne crying. Baka nagalusan din siya kagabi.

Maayos na ang kalagayan ko dahil mabibisa ang mga halamang gamot nila dito. Of course, everything here is magical. Bumangon ako at lumabas ng kwarto.

Paika-ika akong naglakad papunta sa garden. Buti nalang at isang maluwang na bestida lang ang suot ko ngayon.

Banayad at malinis ang simoy ng hangin sa hardin kaya nakakagaan ng pakiramdam. Umupo ako sa isang bench sa gilid. Hapon na pala at malapit nang lumubog ang araw.

"I never knew that you can save the child." napalingon ako sa nagsalita. Si Prince Ethan. He never really believed that Victoria can do a heroic thing like that. Hindi naman talaga gagawa si Victoria ng ganoon but I'm not her.

"Gusto kong humingi ng tawad dahil pinagsalitaan kita kagabi. Ang akala ko, pumunta ka lang dahil sa'kin." saad niya dahilan para humagalpak ako ng tawa.

"Feelingero ka din, ano?" tawa ko pa. Namula naman siya sa hiya. Napakamot siya sa batok.

"Hindi ba't patay na patay ka sa'kin?" sambit niya kaya napatigil ako sa pagtawa. Lumapit ako nang nakatitig lang sa kanya.

"Alam mo bang gusto kita?" mahinhin kong tanong at tumango naman ang loko. Nagulat siya nang hawakan ko ang magkabila niyang pisngi at piniga iyon

"Gustung gusto kitang patayin, feelingerong palaka. Bwiset!" sigaw ko at nagwalkout. Napakaconfident magsalita. Nakakainis.

~~~~~

"Ako? Feelingerong palaka?" hindi makapaniwalang saad ni Ethan habang nagkukwento kay Ashley. Dumaan naman ako sa kanila na tila walang naririnig sa usapan nila.

Ever AfterWhere stories live. Discover now