VI. 10 missions

112 23 0
                                    

"Wala namang sakit na nakita sa kanya. The headache may be a sign of tiredness. She should rest for days." rinig kong tinig ng isang babae.

Iminulat ko ang mga mata ko para lang isara itong muli. Ack, yellow really makes my eyes ache.

Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo nang nakapikit pa rin ang mga mata. I tried to open it again and adjusted my eyessight.

"Ayos ka na ba, anak?" nag-aalalang tanong ni Queen Lea habang hinihimas himas ang ulo ko. Tumango naman ako.

"Ano pong nangyari?" tanong ko.

"Nahimatay ka sa hallway sabi ng isang estudyante kaya dinala ka nila sa clinic. I insisted to take you in the castle dahil alam kong mas komportable ka dito."

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Kung alam niyo lang na mas komportable sa clinic kaysa sa kulay dilaw na kisame ng kwartong 'to.

Iniwan na ako ni Queen Lea para raw makapagpahinga pa. I sat on Victoria's study table.

Yung mga alaala niya na napunta sa akin. Napakasama niya pala talaga. I really hate her now. Lalo na nang makita ko na sinunog niya ang isang baryo.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. My brown hair and black eyes are still the same. Ganoon pa rin ang tindig at hubog ng katawan ko. But I exactly looks like Victoria.

Napailing ako. I'm Eerah Eriendelle. I shouldn't let this world to made illusions to let me forget myself.

Nabaling ang tingin ko sa mga picture frame sa kabilang mesa. Kamukhang kamukha ko talaga si Victoria. The only difference in our appearance is that she always wear gowns while I, Eerah love to wear pants.

Mukha lang ang magkamukha sa amin. Sa pag-uugali, I will never be like her. Ibinaba ko na ang picture frame ni Victoria at lumabas na ng kwarto.

I went outside. It's nearly twilight. Malapit nang mag-sunset kaya naisipan kong panoorin yon but there are huge walls around the castle.

May nakita akong puno sa gilid. Sakto na ang taas nito para makita ang langit mula sa pader. Marunong naman akong umakyat ng puno pero mahirap dahil nakagown ako ngayon. Aish.

Pero dahil dakilang amazona ako, nakaakyat pa rin ako. Sakto naman ang dating ko dahil papalubog na si haring araw.

I'm in a different world. But the sky and the sunset didn't change. They still give me an exceptional magic no fairytale and fantasy can bring.

Naisipan kong bumaba nang tuluyan nang natulog ang araw. The stars are now up there, yet, there's still no presence of the moon.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko nang makasalubong si Ariel at si Victor, Victoria's youngest sibling.

"We'll attend a charity program." napataas naman ako ng kilay. I always love attending charity programs in my world lalo na sa bahay ampunan.

"Victoria? May sakit ka pa nga." saad ni Ariel at sinalat ang noo ko.

"Baliw, wala na." sakbit ko at inalis ang kamay niya sa noo ko.

"I'm always inviting you but you always refuse. And now, you're volunteering?" di niya makapaniwalang saad. Oo nga pala, wala sa bukabolaryo ni Victoria ang pagtulong sa kapos-palad.

"Tara na." sabi ko at hinila silang dalawa papunta sa karwahe.

"Victoria?" gulat na saad ni Ashley nang makita ako.

"Good evening" ngiti ko sa kanya tsaka umupo.

"You seems so different lately." sambit ni Ashly habang pinagmamasdan ako. Napaisip naman ako ng idadahilan.

"Well... a change for the better?" ngumiti ulit ako kaya naman napangiti na rin siya.

Sumilip ako sa bintana. Nadaanan namin ang gubat at pagkalampas doon ay mga kabahayan naman. Iba't iba ang mga kulay ng ilaw rito kaya parang mga christmas lights tuwing pasko.

"I mever knew that this world can be more magical when the night comes." namamangha kong saad habang pinagmamasdan pa rin ang labas.

"Ikaw naman kasi, hindi ka lumalabas ng palasyo tuwong gabi at parating nasa kwarto." sabi ni Ariel na para bang siya ang nakakatanda kong ate. Napangiti lang akong lumingon sa kanila at ibinaling muli ang paningin sa labas.

"Yehey! Nandito na tayo!" masiglang saad ni Victor tsaka dali daling bumaba. Bumaba na rin ako at pinagmasdan ang paligid.

Madumi ang paligid. May mga maliliit na kubo lang sa gilid na tila tinutuluyan ng mga tao rito. Maputik rin dahil siguro ay umulan kaninang hapon.

Napahinto ako nang makakita ng mga kagamitang tila naisalba lamang sa sunog. Posible kayang...

"Ariel, sila ba ang mga nasunugan?" tanong ko at malungkot niya akong tiningnan.

"Yeah. Kawawa nga sila 'e. Sana lang at magkaroon na ng pondo para maipagpatayo na sila ng mga bahay." saas niya at inaya akong lumapit na sa kanila.

Susunod na sana ako nang may humarang sa akin na lalaki. Ang kasuotan niya ay parang kay Victor lang. Maputi at matangos ang ilong. Maganda sana ang mga mata ngunit masama ang tingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Masungit niyang tanong. Napataas naman ang kilay ko.

"Hindi ba pwede?" taas noo kong tanong sa kanya. Kala mo kung sino kung mangharang. Tsk.

"Huwag kang manggugulo rito, Victoria." saad niya at hinawakan ang braso ko nang mahigpit.

"At sino naman ang nagsabi sa'yong manggugulo ako!? Alis nga! Panira ka ng gabi." sabi ko at hinitak ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at padabog na naglakad palayo.

Nakita ko namang nanunuod sa amin si Ashley kaya naman nagtungo ako papunta sa kanya.

"Girl, you're unbelievable!" sigaw niya. Hinawakan pa ako sa magkabilang balikat at niyugyog. Nakunot naman ang noo ko. Ano namang 'unbelievable' ang ginawa ko?

"Biruin mo 'yon! Sinungitan mo si Ethan? As in?" tinapik niya ako sa ulo at naglakad palayo.

Sinundan ko naman siya ng tingin at hindi makapaniwalang umiling iling. Si Prince Ethan 'yon?

Kilala si Victoria bilang isang masungit na dalaga. Pero pagdating sa lalaking gusto niya, ginagawa niya ang lahat para maging kaaya-aya. Pero alam ni Prince Ethan ang kasamaan ni Victoria kaya kailanman ay hindi niya ito nagustuhan.

Natauhan ako nang may humitak hitak sa dulo ng gown ko. Liningon ko ito at nakita ang isang batang babae na mukhang nasa edad na pitong gulang pa lang.

"Anong kailangan mo, munting binibini?" saad ko ng may ngiti at umupo para magkapantay kami. Pero naglaho rin ang ngiting iyon nang magsalita siya.

"Hindi ka dapat manggulo sa mga pangyayari sa kwentong ito maliban sa sampung tao na kasama sa misyon mo." sambit niya at itinuro ang kamay ko. Napapikit naman ako dahil biglang humapdi ang kanang pulsu-pulsuan ko.

May gumuhit ditong numero. '10' Naglakad palayo ang bata ngunit huminto ito nang magsalita ako.

"S-Sino ka?" tanong ko habang hawak pa rin ang kanang pulso.

"Ako ang hinaharap, kamahalan."

**********

Storyline entry:

The girl needs to fullfil a mission. To save 10 people from a tragedy that was given to them by the princess.

But, can the girl save them all before it's too late?

Ever AfterWhere stories live. Discover now