XIII. A Witness

99 20 2
                                    

The other day, I was happy attending to school knowing that Nickolas already believed that I am Eerah and not the evil princess.

"Bakit mukhang maganda ang gising mo?" tanong ni Ash habang naglelecture kami. Pahiging higing (hum) pa ako habang nagsusulat.

"Nothing," saad ko at ngumiti.

Siguradong nagkakagulo na sa bilangguan ngayon dahil nakatakas ang presong hahatulan sana ng kamatayan.

The time runs fast and it's already lunch time.

I saw Nickolas with his friends at a table far from us. Hindi sila magkaklase ni Victoria dahil nasa higher section siya-- royal section to be exact. May prestigious section kasi for prince and princesses.

I'm with Ethan and Ashley in a table. Ewan ko ba kung bakit sumasabay na si Ethan sa'min.

I am eating the last spoon of my lunch when I almost choke as I heard what the students beside our table are talking about.

"Do you remember the notorious sorcerer who was imprisoned in the Winzellia's jail? Nakawala daw. Ngayon pa nmn siya hahatulan ng kamatayan" said a girl to another girl.

"Ang sabi pa daw ay hindi nila malaman kung sino ang nagpatakas." dagdag pa niya. Nakahinga naman ako nang maluwag.

Tumayo na ako nang matapos kumain at naglakad na. Nagpaalam naman si Ashley na magccr lang kaya naiwan kami ni Ethan na naglalakad sa hallway.

If I am Victoria, I would be super glad being with Ethan alone. But I'm not her. Naaawkward pa nga ako eh.

Tahimik lang kaming naglalakad at wala ni isa ang nagsasalita nang may humarang sa amin na tatlong lalaki.

Akala ko baril ang ilalabas nila sa likod pero napataas lang ang kilay ko nang maglabas sila ng mga bulaklak at tsokolate.

"Prinsesa Victoria, para sa'yo nga pala." saad ng isa sa kanila.

Victoria is a beautiful and popilar princess who have many suitors. Pero hindi niya pinapansin ang lahat dahil kay Ethan. Ni hindi man lang niya tinatanggap ang mga regalo nito.

Ngumiti ako at inabot ang mga dala nila. Good thing is that I'm not Victoria. Perfect ang chocolate para sa dessert.

"Sala--" hindi ko na naituloy ang pagpapasalamat ko nang hinablot sa akin ni Ethan ang mga tsokolate at bulaklak at inabot ulit sa mga lalaki.

"Hindi tatanggap si Victoria ng kahit ano." saad niya at hinitak ako palayo. Bumitaw naman ako at nagkibit-balikat sa kanya.

"Bakit mo binalik? Mukhang masarap pa naman ang tsokolate at mababango ang mga rosas." saad ko at ngumuso dahil sa panghihinayang.

"Mahirap na. Baka nilagyan nila 'yon ng lason." saad ni Ethan at nagpatuloy maglakad.

"Mukha naman silang mababait. Nakakinis naman. Sayang yung binigay nila." sabi ko at napapadyak nalang sa inis. Panira ang prinsipe na'to. Kainis!

"Kung gusto mo ng mga tsokolate at bulaklak, bibigyan na lang kita." saad niya at pumasok na sa classroom. Napahinto ako at napatitig lang sa likuran niya.

Kahit kailan ay hindi binigyan ni Ethan si Victoria ng kahit ano. Ni hindi nga niya ito pinapansin.

Then, what the heck is that scene?

* * *

After the class, bumalik ako sa library para hiramin ang Alchemy book. Buti nalang at wala nang nakataling librarian sa stock room ngayon.

I was walking in the hallway while browsing the book when someone grabbed me and pulled me at the back of the building.

There are two guys wearing a black mask. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga matatalim nilang espadang hawak.

Ever AfterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora