XXXVIII. Ninth

76 15 3
                                    

Bumalik na ang kapayapaan sa buong Everland sa loob ng tatlong linggo. Ang limang pinuno ng mga kahariang kasapi sa dark organization ay napatalsik na sa pwesto ngunit nakatakas sila at kasalukuyan nang pinaghahahanap.

Pansamantalang pinamumunuan ng mga ministro ng royal council ang limang kaharian habang naghahanap pa sila ng mga karapat-dapat na pinuno.

Habang ang Kizea naman ay nakuha na nina Lorraine mula sa malupit na hari. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga batas at pamamalakad dito. Nabalitaan ko ring malapit na siyang koronahan bilang reyna.

Maayos na ang kalagayan ng lahat ngayon.

Napangiti ako sa harap ng salamin habang inaayos ng isang tagapag-silbi ang aking buhok. Itinirintas niya ang unahan nito ng pakurba habang kulot namang nakalugay ang sa likod.

Nilagyan din nila ang mukha ko ng pulbos at dinampian ng katas ng presa (strawberry) ang aking labi.

I stood up and walked towards the human-sized mirror. I'm wearing a sleeveless violet gown with silver lases embrodered in it and butterflies in its end.

""You're so stunning, your highness!"

I just let an awkward smile to the servant who helped me prepare. I'm not really used to some kind of praise unlike Victoria.

"Oh, there's something missing," saad niya at kinuha ang isang gintong tiara na may palamuting mga batong sapiro. Yumuko ako upang maisuot niya nang maayos ito sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at naglakad na papunta sa pinto. Ngunit huminto ulit ako at lumingon sa kanya.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. This girl is quite amazing. Kasing tanda lang siya ni Ariel pero nagtatrabaho na siya sa palasyo.

"Isa lang po akong hamak na tagapagsilbi kung kaya't nakakagalak po na itanong ninyo ang aking ngalan. Ako po si Lisa, kamahalan."

Nginitian ko siya at tumango. "Salamat sa pag-aayos sa akin, Lisa."

"Wala po iyon, prinsesa Victoria."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad palapit sa pinto. May pagkabigat ang suot kong gown at nakasuot ako ng takong kaya maingat ako sa paghakbang.

"Happy birthday," nakangiting bungad sa akin ni Nickolas pagkabukas ko ng pinto. Ngunit napasimangot lang ako at inirapan siya.

"It's Victoria's birthday, not mine." Pagtatama ko. Sinadya ko itong hinaan upang hindi marinig ni Lisa sa loob.

Bahagya siyang natawa at humakbang papalapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawang gilid ng labi ko at ikinurba ito sa isang ngiti.

"This night isn't only a birthday celebration. It's also a tribute for the one who saved the Everland from the dark kingdom. Ikaw 'yon at hindi si Victoria. So, enjoy the night. Okay?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kinuha ko ang nakalahad niyang kamay at sabay kaming bumaba patungo sa royal hall.

Familiar faces greeted me as I walk down the grand stairs. Piniga ni Nickolas ang kamay kong hawak niya habang inaalalayan akong bumaba dahilan para mapalingon ako sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at umiling. Maybe, he sensed my uncomfortability with everyone's gazes.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Huminga ako nang malalim bago humarap muli sa kanilang lahat.

Habang tumatagal ang pananatili ko sa mundong ito, pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng pagkakakilanlan. But Nickolas being beside me, it reminds me that I'm Eerah and not anyone else. I'm so lucky to have him by my side.

Ever AfterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora