XXXVII. The Battle

71 10 0
                                    

The sky is a blend of roses and sunflowers-- a combination of pink and yellow hues. It's indeed wonderful walking near the shores during sunset.

But this one is different.

Nakaugalian na sa Everland ang tradisyong pamamaalam kasabay ng dapithapon. Ang mga nilalang na may taglay na mahika sa kanilang katawan ay hindi inililibing sa lupa bagkus ay sinusunog at ipapaalon sa dagat ang mga abo.

Sa pamamagitan nito, sila ay magiging parte ng kalikasan. Ang mahika naman nila ay isisilang muli sa ibang katauhan.

Malungkot kong tiningnan si Giselle. She's crying while throwing the ashes of her brother in the sea. Napayuko ako. I'm sorry, Gi. I haven't done anything to save kuya Art.

Unti-unti nang umaalis ang mga tao habang nakatayo pa rin siya sa dalampasigan. Dahan-dahan akong lumapit at hinawakan ang balikat niya.

I was about to say a word but she suddenly pushed me. Muntik na akong mahulog sa lupa, mabuti nalang at nasa likuran ko si Nickolas.

"It's all your fault, Victoria. It's all your fault!"

The hatred in her voice echoed in both of my ears. She walked away and I just followed her with my teary gaze.

Napaluhod nalang ako sa buhanginan nang tuluyan na siyang makalayo. Napalingon ako kay Nick nang hawakan niya ang balikat ko.

"That's not your fault, Eerah. Napangunahan lang ng galit si Giselle kaya niya nasabi 'yon."

Napayuko lang ako at nilamukos ang mga pinong buhangin habang nababasa ito ng luha. Is it really not not my fault?

The first one is Rina, then, Kuya Art. Now, tell me. Is this mission really worth it? To save people from dying in Victoria's hands just to let them see die on others?

* * *

The day has come when the Everland will held its biggest battle. Naghahanda na ang lahat dahil ang paglubog ng araw ay hudyat na ng pakikipaglaban.

Kasabay ng paglubog nito ay nararapat lamang na may isang samahan ang lumubog din. Dalawa lang ang maaaring mangyari. Tuluyang babagsak ang dark organization o kami ang matatalo.

Hinanda ko na ang mga gamit ko dahil sasama ako sa kanila sa pakikipaglaban. I will make sure that we will win this time. For Rina, for kuya Art, and for everyone.

"Eerah, you should just stay here. Hindi ka marunong makipaglaban," wika ni Nickolas ngunit hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pag-aayos ng mga gamit.

"Eerah," tawag niya ngunit hindi ko pa rin siya pinansin.

"Eerah E"

This time, humarap ako sa kanya habang hawak ang mga boteng may iba't-ibang lamang potions. There are for healing, barrier, and poisons.

"I told you, Nick. Hindi lang espada ang maaaring gamitin sa pakikipaglaban."

Victoria Velloire is known for being a good alchemist in their class. She created so many powerful potions in a young age. Pero dahil sa kasakiman sa mahika, hindi niya napansin ang potensyal niya na iyon.

But I noticed it. And I will use it against the enemy.

Umalis na kami sa palasyo upang pumunta sa lupain kung saan mangyayari ang digmaan. Ito ay gaganapin sa malawak na kapatagan sa pagitan ng Avales at Wilhem.

Nakaugalian na sa mundong ito ang ganitong digmaan. Kapag may hindi pagkakaunawaan ang dalawang kaharian o higit pa ay idadaan ito sa labanan.

Matagal nang pinipigilan ang digmaan sa Everland. Hangga't maaari ay idinadaan lamang ito sa usapan. But our situation is different. I don't think that it will be solved with a talk.

Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon