XXXVI. Kizea

81 12 0
                                    

XXXVI. Kizea

Ang gulong nangyari sa kasal ni Primo at Angeline ang naging simula ng isang patas na laban. Kung saan alam na ng lahat ang masama nilang balak, alam na ng lahat kung sino ang mga kalaban.

Matapos ng gabing iyon ay nagbalik na ako sa Winzellia. Tama nga ang hinala ko. Matapos kong mawala ay nagsimula nang maghanda ang Winzellia para sa labang ito.

Dati ay hindi nila alam kung kakayanin ba nila but now, we already have the alliance of the six kingdoms. And now, I'm going to ask for the help of the seventh and last one.

"Are you sure about this, Eerah?"

Ngumiti ako at tumango kay Nickolas. "Won't you trust me?" Tinitigan niya lang ako at napailing sa sarili.

"Do you want us to accompany you?" Tanong ni Ethan ngunit umiling lang ako.

"Victoria, Kizea is a dangerous kingdom. Tahimik ang kaharian na'yon at misteryoso. They might be more evil than the dark organization."

Ngumiti naman ako kay Ashley at umiling. Sa librong isinulat ni Victoria, naging kakampi ang mga Kizean sa paglaban sa dark kingdom. And I'm sure that they will be in our side again.

"Just give me three days. Kapag hindi ako nakabalik, sunduin niyo ako."

Lumingon ako kay Nick. He avoided my gaze as a sign that he didn't agree with me. But he can't do anything with my decision now.

* * *

Mag-isa akong naglakbay patungo sa kaharian ng Kizean. Hindi ko alam kung sino ang mga pinuno nila. I haven't seen them in any events. Their seats are always vacant when there's a royal meeting.

Hindi rin sila nagpapapasok sa lupain nila ng mga dayuhang maharlika. Ni hindi ko pa nakitang pumunta rito ang mga magulang ni Victoria.

And that's the reason why I'll go alone. Baka hindi nila ako papasukin kung malaman nila agad na isa akong maharlika. And I don't wanna lose a chance of alliance just because of a wrong move.

Masagana ang kaharian ng Kizean. Magaganda ang ani ng kanilang mga halamanan. Malaki rin ang kanilang pamilihan. But their native products can't be seen outside their kingdom. I wonder why they aren't traiding nor connecting to other kingdoms.

Masigla ang umaga sa mga kabahayan. Maingay na rin ang pamilihan. Ngunit may napansin akong kakaiba. Tila puro mga lalaki ang nakikita ko.

"Pasensya na po," hingi ko ng tawad nang mabangga ko ang isang matandang lalaking may dala dalang mga mansanas.

Tinulungan ko siyang magpulot ng mga natapon. Magpapasalamat sana siya ngunit tila nabigla siya nang makita ang mukha ko. Nakikilala niya ba ako?

"Isang dayuhang babae," sambit niya. Nagtaka naman ako nang italukbong niya muli ang suot ko kaninang balabal.

"Hija, mabuti pa at umuwi ka na sa pinanggalingan mo. Sa oras na malita ka ng mga naglilibot na kawal ay tiyak na huhulihin ka nila at dadalhin sa palasyo."

"Salamat po sa paalala ngunit sa palasyo po talaga ang tuloy ko," saad ko sa kanya.

"Ganoon ba? 'O siya, mag-iingat ka. Nawa'y alam mo ang ginagawa mo," wika nito at lumakad na paalis. Nagtataka ko naman siyang sinundan ng tingin. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Paglapit ko sa pinto ng palasyo ay nagpakita ako sa mga bantay. Napansin kong gulat ang ekspresyon nila kung kaya't napagpasyahan kong magpakilala.

"I'm Princess Victoria of Winzellia and I want to talk to your king."

Ever AfterWhere stories live. Discover now