X. Ariel's Painting

101 21 4
                                    

'8'

Tulala lang ako habang nakatitig sa pulsu-pulsuhan ko. I already succeeded two missions. Kaunti nalang at makakabalik na ako kay Lola Esme.

"Ate, where did you get that scar?" napalingon ako kay Victor na nakaupo na ngayon sa isang bench sa hardin ng kastilyo kung saan din ako nakaupo.

"This?" turo ko sa kanang pulso at tumango naman siya.

"It's a magical scar, Victor. The number will change once I did one thing I need to do." saad ko at napatango-tango naman siya.

"It's amazing! Can I also get one?" tanong niya at hinawakan ang guhit kaya tinapik ko ang kamay niya.

"Huwag mong gustuhing magkaroon ng ganto, Victor." saway ko na ipinagtaka naman niya.

"Bakit po kayo meron? Bakit ako hindi pwede?" sabi niya at ngumuso. Pinisil ko naman ang pisngi niya dahil ang cute.

Victor is only seven years old. Halos kaedad lang ni Dianne. He's too innocent for a cruel world I've been.

"Basta kapag matanda ka na, maiintindihan mo rin." I said and caressed his hair.

"So, when this scar turned to zero, will you leave?" natigilan ako sa tanong niya.

"Huh?"

"Whenever we finish eating, we are leaving the dining hall. When we finished studying, we're leaving school. So, if you finished doing the things you need to do, will you also leave?" napatulala lang ako sa tanong niya.

Tama siya. When I already finished the mission, I'll leave. Yun naman talaga ang gusto kong mangyari. Pero hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko nang tinanong niya ako kung aalis ako.

~~~~~

"Anong pinipinta mo?" tanong ko kay Ariel pero imbis na sumagot ay agad niyang tinakpan ng puting tela ang ipinipinta.

"Sorry, nakita ko kasing bukas kaya pumasok na ako." saad ko pa at naupo sa kama niya.

"Ano 'yan?" tanong ko ulit at tatanggilin sana ang telang nakapatong pero inilayo niya agad sa akin.

"Wala ito!" sagot niya at bahagyang ngumiti. Napataas naman ako ng kilay at lumundag sa kanya para makuha 'yon.

Namangha ako nang makita ang ipinipinta niya. Isang paru-paro na nakadapo sa isang nalalantang bulaklak. Detalyado ang pagkakapinta kaya naman napakaganda.

Nakangiti akong lumingon sa kanya pero nawala iyon nang makita kong nakayuko lang si Ariel.

"S-Sinubukan ko lang magpinta ng kakaiba." saad niya. Inilapag ko ang pininta niya sa kama at iniangat ang ulo niya.

"Ang ganda kaya," nakangiti kong saad pero nagtaka ako sa gulat niyang ekspresyon na tila ba hindi inaasahan na sasabihin ko iyon.

"Talaga? Akala ko ba sabi mo noong nakaraan ay hindi maganda ang mga larawang ganyan. You said that princess like us should only oaint sophisticated things." saad niya.

"Sinabi ko iyon?" tanong ko at tumango naman siya. Bigla namang may pumasok na alaala ni Victoria sa isipan ko.

"Victoria, maganda ba?" tumigil ako sa pagpipinta at pinagmasdan ang gawa ni Ariel. Kinuha ko iyon at pinunit.

"Hindi ka dapat nagpipinta ng mga ganong bagay, Ariel." saad ko.

"Kung nais mong maging maganda ang mga gawa mo, ipinta mo ang mga kastilyo, mga hari at reyna, mga magagarbong bagay. Hindi isang walang kwentang bagay na hindi naman maintindihan!" saad ko kung kaya't napayuko siya.

"Pero may ibig sabihin ang pininta ko!"

"Iyon nga ang problema, Ariel. Hindi madaling maintindihan ang ipininta mo. Walang kwento." saad ko at umalis na dahil nawalan na ako ng ganang magpinto matapos makita ang gawa niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ariel nang makitang napayuko ako at hinihimas-himas ang ulo.

"Ayos lang. Bigla lang sumama ang pakiramdam ko." saad ko at ngumiti. Kinuha ko ulit ang pininta niya at pinagmasdan.

"Kalimutan mo na yung sinabi ko sa'yo dati. Mas maganda ang mga larawan na may malalim na kahulugan. Kapag ang mga bagay na mahirap maintindihan ay nagawa mong intindihin, doon mo makikita ang natatanging kagandahan." saad ko kaya napangiti siya.

"Isang paro-paro na nakadapo sa isang lantang bulaklak? Sa dinami dami ng magagandang bulaklak sa kanyang paligid, bakit nito napiling dumapo s aisang 'yon?" tanong ko habang pinagmamasdan ang pininta ni Ariel.

"Isa yang obra ng tunay na pag-ibig." saad niya kaya napalingon ako. Binalik ko ang tingin ko sa ipininta niya at nag-isip.

"Isang araw, napadaan ang paro-paro sa isang hardin. Gutom na gutom siya kung kaya't nakiusap siya sa mga bulaklak na kahit isa lamang sa kanila ay payagan siyang kumuha ng pollen. Nag-umpisa siya sa pinaka-magagandang bulaklak ngunit wala ni isa ang pumayag. Nawawalan na ng pag-asa ang paro-paro dahil kapag hindi siya nakakain ay manghihina ang kanyang mga pakpak at hindi na muling makakalipad. Ngunit napahinto siya sa isang orkidia nang sabihin nitong maaari siyang kumain sa mga pollen niya." kwento ni Ariel habang nakatitig sa ipininta niya.

"Masayang pumunta sa orkidia ang paro-paro at masayang kumain. Simula noon ay dito na siya parating pumupunta. Lumago ang orkidia dahil sa pagmamahal ng paro-paro. Dahil sa pollenation na nagagagnap sa kanila ay gumanda lalo ang lilang orkidia. Ngunit katulad ng lahat ng mga bulaklak ay unti unting nanghina at nalanta ang orkidia. Lubos na nalungkot ang paro-paro dahil sa sinapit nito. Ang nararapat niyang gawin ay iwan ang nalantang orkidia at humanap ng ibang bulaklak ngunit hindi niya ginawa. Patuloy pa rin siyang bumabalik sa orkidia hanggang sa tuluyan na itong maging alikabok." napangiti ako sa kwento ni Ariel at pinagmasdan ang larawang ipininta niya.

"Kay ganda ng pag-ibig sa panahon ng pamumukadkad ngunit ang pag-ibig na mananatili hanggang sa pagkalanta ay bibihira at espesyal." sambit ko habang nakatulala sa kawalan at ngumiti.

"This painting is both magical and aesthetic. Ipagpatuloy mo lang ang pagpipinta ng mga ganitong bagay." saad ko at ngumiti.

"Salamat, Victoria." napataas naman ako ng kilay dahil napansin kong kahit kailan ay hindi niya pa ako tinatawag na ate.

Tumayo ako nang nakapamewang at tinitigan siya.

"Ilang taon ka na, aber?" nagtaka siya pero kalaunan ay sumagot din.

"Fifteen years old."

"Eighteen years old na ako, hija. Halos apat na taon ang tanda ko sa'yo pero hindi mo ako tinatawag na ate?" saad ko at ngumuso na parang nagtatampo.

"Di'ba--" hindi ko na siya pinatuloy at nagsalita ulit.

"Hindi ko tatanggapin ang pasasalamat mo hangga't hindi mo ako tinatawag na ate." sabi ko at nagtaas ng kilay.

Ngumiti siya at bigla akong niyakap.

"Salamat, ate."

Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. When I first got here, it felt like a nightmare. Maraming panganib ang nakapalibot sa akin dito kaya hiniling ko na sana ay hindi nalang ako napunta rito.

Ngunit ngayon, hindi ko alam kung bakit pero masaya ako kahit papaano na napunta ako sa mundong ito at naranasan ang pagmamahal ng mga tao rito.

**********

Storyline entry:

The girl became used of everyone that the princess have. She also wish if only she was really her, then, everything would be alright.

But nothing could change the fact that she's just a fake, portraying the princess.

Ever AfterWhere stories live. Discover now