XXIV. The Letter

92 19 2
                                    

"Huwag ka nang mag-sayang ng oras na pumunta roon," saad ni Nickolas pero hindi ko siya pinansin at lumapit nalang sa mga tagapagsilbing nagdadala ng mga kagamitan at pagkain sa loob ng isang karwahe.

"Eerah, nakikinig ka ba sa'kin?" hinawakan niya ang magkabila kong balikat at ihinarap sa kanya. I can't see his face with his armor helmet but I can feel an irritation with the tone of his voice.

"May sinasabi ka ba?"

"Ang sabi ko, hindi tatanggapin ng mayor ng Aspel ang alok mo. Magsasayang ka lang ng oras."

"Subukan lang natin. Para sa bayan niya ito kaya bakit naman siya tatanggi?" Saad ko. Tinanggal ni Nickolas ang helmet niya at ginulo ang buhok dahil sa inis.

"Bahala ka nga."

Palihim akong natawa dahil sa hitsura niya. Ang cute niya mainis.

Sumakay na ako sa kabilang karwahe pero kumunot ang noo ko nang sumunod siyang umupo sa akin.

"Oh? Akala ko ba ay sayang lang ang oras? Bakit sasama ka?"

"You're a careless lass. Baka panganib na naman ang pupuntahan mo. Mabuti na ang sigurado."

Lumingon ako sa bintana at pasimpleng ngumiti. He cares for me.

Pero agad din iyong naglaho nang may tanong na pumasok sa isip ko. But why would he care?

Liningon ko siya. Diretso lang ang tingin niya ngayon sa daan. I want to ask him pero hindi ko alam kung bakit umurong ang dila ko.

Maybe because I'm afraid to get an answer I wouldn't like?

Unti-unting bumagal ang pag-andar ng karwahe. Sumilip ako sa bintana para makita ang mga kabahayan. Nandito na kami sa Aspel.

Hindi ko makita ang mga tao sa paligid na pinagmamasdan ang sinasakyan namin dahil kulob ito ngunit rinig ko ang mga bulungan sa labas.

"Isa na namang lapastangang maharlika."

"Kung wala lang mga kawal na nakapaligid ay susugurin ko na iyan."

"Ano na naman kaya ang pakay ng isang 'yan."

"May mga dayo,"

Mukhang hindi talaga sanay ang mga mamamayan rito na may bumibisitang mga maharlika. I wonder why they seem to hold a grudge for royals.

Huminto ang karwahe. Isinuot ni Nickolas ang armor helmet niya bago lumabas. Nagulat ako nang sumilip uli siya sa loob at tinalukbungan ako ng isang itim na balabal.

"Baka may makakilala sa'yo."

Bumaba ako at nakayukong inilibot ng tingin ang paligid. Natatakot na mayroong makakilala sa akin bilang malayong kamag-anak ni Nickolas na nagtatrabaho sa Wilhem.

Nakayuko lang ako habang tinatahak ang daan. Hindi ko man sila tingnan ay ramdam na ramdan ko ang matatalim nilang tingin. Lalo na at ang magarbong pilak na bestidang suot ko ay agaw pansin.

Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Kulay asul ang pintura nito at puno ng mga halaman sa paligid. Sa taas ay may karatulang nakalagay na nagsasabing, Municipal of Aspel.

Magalang kaming pinapasok ng isang babaeng nasa edad tatlumpu na ngunit ramdam ko pa rin ang matalim na tingin nito.

Maayos ang pagkakaayos ng mga kagamitan sa loob. Nakatiles din ang sahig nito. May isang lamesa sa gilid kung saan abalang nagbabasa ng mga dokumento ang isang lalaking nasa edad kwarenta. May suot itong salamin habang nakakunot ang noo na nagbabasa ng kabundok na mga papel.

Ever AfterWhere stories live. Discover now