III. The mission

153 25 2
                                    

"Hindi ikaw si Victoria. Masyadong malupit at makasarili ang prinsesng iyon. Hindi siya nagpapakita ng awa kahit kanino. Hindi niya ako tutulungan katulad ng ginawa mo." Sabi ng matanda. Nakita kong may dala nang tubig ang tagapagsilbi kaya't naupo nalang ako.

Pagkatapos niyang ibaba ang tubig at umalis, nagsalita ulit ang matanda. Buti nalang at may nakakaalam na hindi ako si Victoria sa panaginip na'to.

"Hindi ka nananaginip, hija." Sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Paano niya nalaman ang iniisip ko?

"S-Sino ka po ba talaga?" Tanong ko at pinagmasdan siyang mabuti. She looks like a mere old lady but she talks like someone who knows something.

"Ako ang nakaraan, hija. At isa ako sa gagabay sa'yo sa misyong ito." Sabi niya kaya naman napatawa ako na parang baliw. Nagbasa lang ako ng libro, nagkamisyon ako kaagad?

"Bakit ka tumatawa? Hindi ka ba naniniwala na nasa loob ka ng librong kakabasa mo lang?" Sabi niya na nakapagpatigil sa akin. Everything and everyone that I met here is connected to the book. But that's impossible. I might only be dreaming.

"Seryoso po kayo?" Tanong ko naman. Binigyan niya lang ako ng mukha-ba-akong-hindi-seryoso look. Okay?

"Bakit naman ako mapupunta dito? Tsaka bakit pinagkakamalan nila akong si Victoria? Eerah po ang pangalan ko." Sabi ko. Ang ganda ganda ng pinangalan sa akin tapos tatawagin lang nila akong Victoria? Haynako.

"Ang librong binasa mo, hija, ay siya mismong librong isinulat ni Victoria. Dahil sa kasamaan niya ay isinumpa siya. Magiging abo ang lahat ng pagmamay-ari niya maging siya. At ang lahat ng iyon ay magiging isa na lamang kwentong pantasya at lahat ng alaala ay mabubura." Sabi naman ng matanda. Wow, true to life yung librong Ever After?

"Ngunit, kahit sa huling sandali ni Victoria, kasamaan pa rin ang nanaig sa kanyang puso. Inutusan siyang isulat ang kanyang buhay at ang mga taong nagawan niya ng kasamaan nang sa ganoon ay mamayapa ang kalooban ng mga taong iyon. Ngunit hindi siya pumayag na pumayapa ang kalooban ng iba habang siya naman ay habambuhay nagdurusa." Sabi pa ng matanda.

"Ano po ang ginawa ni Victoria?" Tanong ko naman.

"May sampung tao siyang hindi sinulat sa libro. Sampung taong ginawan niya ng kasamaan. At iyon ang misyon mo. Kailangan mong hanapin ang sampung tao na'yon at ituwid ang kasalanan na nagawa mo noon." Sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko. Her palms are just as soft as cottons.

Napakunot ang noo ko. Kasalanang ginawa ko noon? Hindi naman ako si Victoria.

"Victoria!" Magsasalita pa sana ako nang tinawag ako ni Ariel sa likod kaya napatayo ako at napalingon sa kanya.

"It's already dinner. Tara na sa loob, kakain na." Sabi niya tsaka tumalikod. Okay? Parang mas matanda pa siya sa'kin kung kausapin niya ako 'a.

"Susunod nalang ako!" Sigaw ko at lumingon sa matanda ngunit ang plato at baso na lamang na nakalagay sa lamesa ang naroon.

Napailing nalang ako. Nakakakilabot na talaga ang mundong 'to. Ngunit bago ako maglakad ay parang may bumulong sa akin.

'Sa bawat sulyap sa kanilang mga mata, iyong maaalala ang pagdurusang kanilang naranasan nang dahil sa'yo.'

Halos tumaas ang balahibo ko sa batok. It's not the voice of the old woman lately.

"S-Sino ka?" tanong ko habang nililibot ng tingin ang paligid umaasang makikita kung sino man iyon ngunit wala.

'Ako ang kasalukuyan'

Kasabay ng boses niya ay ang pag-ihip ng hangin na tinatangay ang mga tuyong dahon sa lupa. Napatakbo nalang ako papasok sa palasyo.

Ever AfterWhere stories live. Discover now