XI. Eerah

109 20 7
                                    

~~~~~

"Nakahanda ka na ba, Dianne?" tanong ko sa kanya at mabilis naman siyang tumango.

"Huwag kang maglilikot at lalayo sa kanila, anak. Ha?" tanong naman ng kanyang ina habang sinusuklay nito ang itim niyang buhok. Mabilis rin siyang tumango.

"Tara na?" aya ko at nilahad ang kamay nang makitang handa na siya. Pero bago pa kami umalis ay may humarang sa pintuan.

"Saan mo dadalhina ang kapatid ko?" tanong ni Nickolas at matalim akong tiningnan.

"Ipapasyal ng mga kamahalan ang mga bata, Nickolas. Huwag kang mag-alala dahil magiging maayos lang sila." saad ng nanay nila.

"Sasama ako." sambit ni Nickolas at matalim ulit akong tiningnan.

"Bata ka ba?" sarkastiko kong tanong pero hindi niya ako pinansin at tumingin sa nanay niya.

"Mas makakampante ako na walang mangyayaring masama sa mga bata kapag kasama ako." saad niya. Tumingin naman sa akin ang nanay nila na tila ba hinihingi ang permiso ko. Tumango naman ako bilang tugon.

Alas tres na kami ng hapon nang makarating sa pook pasyalan ng Wilhem. Kasama ko sina Ashley, Ethan, Ariel, Victor, at mga bata sa nasunog na baryo. Mayroon ring kaming kasamang mga kwardya para sa proteksyon at saling-pusa naman si Nickolas.

Una naming pinuntahan ay ang zoo. Nakakamangha ang mga hayop nila dito. May mga lumilipad na aso at kabayo. Mayroon ding mga nakakalakad sa lupa na mga isda. May mga maliliit na ibon ding nagsasalita.

"Ash, kinakain niyo ba ang mga hayop na 'yan?" bulong ko kay Ashley pero binatukan lang ako.

"Aray naman!"

"Loka ka! Hindi naman kinakain ang mga exotic na hayop na yan." she said that made me sigh in relief. Ayoko pang kumain ng piritong isdang may paa. Tsaka hindi ko maimagine na iprito 'yun.

Pumunta rin kami sa isang malawak na hardin na puno ng mga magagandang halaman at bulaklak.

"Hindi ba't paborito mo ang mga mirasol?" saad ni Ethan at itinuro ang halamanang puno ng mirasol.

"Ah eh hindi na." sabi ko at lumapit sa orkidiang nakakapit sa isang puno.

"Masyadong magarbo ang mga mirasol. Mas gusto ko na ang mga orkidia kahit pa maliit at simple lang." saad ko at lumitas ng isang lilang orkidia.

"At kailan mo pa nagustuhan ang mga sinpleng bagay?" tanong niya at napataas ng kilay.

"Since birth," saad ko habang hinihimas himas ang orkidia sa kamay. Napahinto naman ako nang mapagtantong Victoria nga pala ang pagkakakilanlan ko rito.

"I mean, since the birth of my 'simplicity is beauty' perception. Actually, noong nakaraang linggo lang." saad ko nang nakangiti at lumayo na sa kanya. Naparami niyang tanong kaya mas nahahalata niya na kakaiba ako.

Ang huli naming pinuntahan ay ang dalampasigan. Malapit nang mag-dapithapon kaya maganda ang langit.

"Huwag ka ngang maupo dyaan. Baka kabagan ka!" saway sa akin ni Ashley pero hindi ako nagpatinag. Palagi kaya akong umuupo sa mga buhangin at pinapanuod ang paglubog ng araw noong bata pa ako.

"Hindi 'yan. Tried and tested ko na 'to." saad ko pero nagtaka lang siya na oarang sinasabing hindi naman umuupo si Victoria sa buhangin dati.

Hinitak ko siya dahilan para mapaupo rin siya. Tumabi sa kanan ko si Dianne at umupk naman sa tabi niya si Nickolas. Si Ethan at ang iba oang mga bata kasama sina Victor at Ariel ay nakatayo namab sa likod namin habang pinapanood rmdin ang paglubog ng araw.

"Dianne, alam mo ba ang konsepto ng dapithapon?" tanong ko kay Dianne na nasa tabi ko. Tumingin naman siya sa akin at umiling.

"Sunsets are usually symbolizing goodbyes. And do you know why God made it beautiful? To distract us and forget the lain it brought." sabi ko. Nakita kong lumingon sa amin si Nickolas pero umiwas rin nang tumingin ako.

Parang gusto niyang takpan ang tainga ng kapatid dahil malungkot ang mga sinasabi ko kaya nagsabi naman ako ng kahit papaano ay masaya.

"But, sunsets are also associated with happy things like resting. After the sunset, the darkness that brings peace will prevail. And after an ending, there's always a new beginning." sabi ko. Lumingon naman sa akin si Dianne kaya nginitian ko siya.

"Ate, hindi pa ako nakakaintindi ng ingles." nawala naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Naoakamot nalang ako ng ulo nang maalalang pitong taong gulang pa lang siya.

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Nickolas dahil napahiya ako kaya inirapan ko siya. Naupo nalang ako ng maayos at hinintay matapos ang sunset.

~~~~~

Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga bata habang papauwi sa kanila. Nag-volunteer ako na maghatid sa mga bata kaya nasa karwahe na sina Ashley.

"Ano? Bakit hindi ka pa umaalis?" tanong ko kay Nickolas na ngayon ay hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan at pinauna na si Dianne.

"Kung itatanong mo na naman kung 'bakit ko ginawa 'yon?' 'anong eksena na naman 'yon?', better zip your mouth. Okay?" saad ko at linagpasan siya pero napahinto ako nang tawagin niya ako.

"Eerah..." gulat akong napalingon sa kanya nang banggitin niya ang tunay kong pangalan. "Eerah Eriendelle. Hindi ba't iyan ang pangalang binanggit mo noong nakaraan?"

"O-Oo," saad ko at tumango. Matalim pa rin siyang nakatingin habang humahakbang papalapit sa akin.

"Hindi ako naniniwala sayo. Isa kang malanlinlang, Victoria." saad niya at muling humakbang papalapit kaya napahakbang ako paatras.

"Pero kung ang ngalan mo nga ay Eerah, nasaan ang malupit na prinsesa?" bulong niya nang makalapit na siya sa akin. Tinulak ko siya palayo at umatras.

"H-Hindi ko alam." napayuko ako at napaisip. Kung nandito ako sa mundo niya bilang siya, maaring--

"Nasa mundo ko siya bilang ako." hindi ko makapaniwalang bulong at tumakbo papunta sa gubat kung saan huli kong nakita ang bata na isa sa mga gabay.

Madilim ang gubat. Ang liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Inilibot ko ng tingin ang paligid. Alam kong nandito lang sila.

Sila lang ang makakasagot ng mga katanungan ko. I can't imagine that evil princess with my Lola Esme. Baka manakit siya sa mundo ko!

"Magpakita kayo! Alam kong nasa paligid lang kayo... nagmamasid sa akin." sigaw ko habang pinakikiramdaman ang mga gabay.

Umihip nang malakas ang hangin at tinangay ang mga tuyong dahon papalibot sa akin. Patuloy lang ito sa pag-ikot hanggang sa makaramdam ako ng hilo at natumba.

**********

Storyline entry:

The girl is in the world of the princess and living the princess's life.

So, could it possible that the princess is in the world of the girl and living the girl's life?

Ever AfterWhere stories live. Discover now