Every Step Away

163K 3K 841
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning: This story contains some parts that are not suitable for young readers. Please read at your own risk. 

Rugged Series 1: Every Step Away

xxx

ESA0

Prologue

Mabilis kong inalis ang pagkaka-bun ng aking buhok at sinuklay ito gamit ang aking kamay. Muli ay binalik ko iyon sa pagkakabun pagkatapos. Ni hindi ko na inabala kung mukha pa ba akong tao ngayon dahil sa pagmamadali. Mabilis kong inirolyo ang plate na ginagawa ko at inayos ang aking nagkalat na gamit sa drafting table.

"Shit naman." I cursed when my triangle slip on my hand dahil sa pagmamadali. Gumawa iyon ng malakas na tunog dahil sa pagtama sa marmol na sahig.

Napakamot ako ng ulo dahil nagsilingunan ang mga ibang estudyanteng kasama kong gumagawa rin ng kanilang plate. I awkwardly smiled and immediately duck to get the triangle.

Inilagay ko lahat sa backpack ko ang aking gamit bago ko ito sinuot saaking likod. Sinukbit ko ang drawing tube ko sa balikat at mabilis na kinuha ang aking plate.

Mabilis akong tumakbo palabas ng drafting room. Shit, 5 minutes!

Pakiramdam ko tinalo ko pa si The Flash dahil sa bilis kong tumakbo.

"Sorry!" malakas kong sigaw noong may nasanggi ako. Hindi ko na narinig ang sinabi ng babae pero alam kong nagalit siya. Sorry na nga ate eh! Balang araw maiintindihan mo rin ako, between life and death to!

Putek naman, bakit bigla atang lumipat sa kabilang bayan ang faculty room?

Nagningning ang mata ko noong makita ko ang prof ko na naglalakad, mukha pabalik sa faculty.

"Sir! Sir!" masaya kong tawag habang kumakaway pa sa kanya. He was just a little far from entering the faculty room.

"Miss Lofranco." tawag niya saakin noong tumigil ako sa harap niya. Hawak ko ang isa kong tuhod ng bakante kong kamay habang naghahabol ako ng hininga.

Inabot ko ang aking plate kay Sir kung saan mabilis na dumapo ang kanyang tingin.

"Plate..." I said while still catching my breath. Hindi pa ako makahinga ng maayos kaya tinuro ko nalang ang sarili ko para tukuyin na saakin ang plate. 

Tinignan niya ang kanyang relo bago muling binalik saakin.

"You're three minutes late."

I sigh heavily as I heard him said that. He's always been strict on deadlines, kahit isang minuto hindi pinapalagpas.

"Sorry..." Sinapo ko ang aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko mula saaking pagtakbo. "Sorry, Sir. Please... hindi na po mauulit."

He sighed and shook his head.

"Nasabi mo na 'yan nung isang araw."

Napapikit dahil saaking narinig. Right.

"I'm really sorry, Sir."

"Listen Miss Lofranco, you're one of the most outstanding students I have in my class. Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo at nagkakaganito ka, hija."

I sigh and nod. Walang balak na sumagot sa kanyang sinabi. I already admitted to myself that I'm a big mess.

"This is the last time I'll accept late from you. You got big potential, wag mong sayangin iyon."

I nodded at him. "Thank you, Sir."

Hinintay ko siyang makapasok sa faculty room bago ako nagsimulang maglakad palayo habang nakatungo.

Nagbalik saaking ala ala kung ano nga bang pinagkakaabalahan ko. Lahat ng lumitaw sa isip ko, kahit isa wala namang makabuluhan. Nag aaksaya lang ako ng oras, pwede na ding nag aaksaya ng buhay.

I don't even know how to make my life go back to what I use to be. Gusto ko iyong ibalik para sa enthusiasm at passion ko sa lahat ng ginagawa ko noon. Ni isang beses hindi ko naimagine ang sarili kong malate sa pagpasa ng mga requirements pero ngayon, pabagsak na ata lahat ng grado ko.

"Shit."

Ewan ko kung para saan iyon, para sa mga kalokohang ginagawa ko sa sarili ko ngayon o para sa mga taong nakabungo saakin ngayon.

Napabuntong hininga ako at inayos ang aking drawing tube sa aking balikat. Shit naman, sa dami dami ng tao dito bakit sila pa ang nakabungo ko? 

"Sorry- Santh, oh my you look..."

Pinanood kong ngumiwi ang babae sa aking unahan gamit ang aking tamad na mata, hindi interesado para sa kanyang sasabihin.

"Santh?" I snickered. "Close tayo?"

Napanood ko kung gaano nagbago ang emosyon sa mukha ni Iris dahil sa sinabi ko. I look at the person to whom she holds. Nakahawak ang kanyang kamay sa pulso ni Rylan na tila hinihila ito. He looked at me with pure sorry and regret. 

What a jerk.

"Santh, wag naman sanang-" Rylan started speaking but I didn't let him continue. Hearing his voice and seeing him makes me wanna loathe myself more.

"Ikaw din, close tayo?"

Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Mukhang may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi na siya makapag salita. For a year, I use to adore his presence. The sight of his face calms my heart that I don't even care how it's breaking right now. He looks the same in my eyes and it's hurting me more. 

"Are you really going to throw away our friendship just like that?"

Naputol ang tingin ko kay Rylan at lumipat kay Iris. I stared at her like she said the funniest thing in the world.

Hindi ko mapigilang hindi tumawa. I laugh so hard in front of them like I'm about to get crazy. O baka natuluyan na talaga.

Ako daw? Tangina, ako nanaman?

"Go to hell, you two," I said and walk away.

Mabilis akong naglakad papunta sa parking lot ng school. Agad kong natagpuan doon si Heze na nakasandal sa kanyang kotse. Agad dumapo ang tingin niya saakin. Nakangisi siya habang pinaglalaruan ang susi ng kanyang sasakyan.

Lumakad ako papalapit sa kanya at ngumiti.

"Saan labada?"

I glared at him. Tumawa siya at tinanggal ang aking pony. My hair fell from a bun immediately. Inilagay niya ang aking pony sa kanyang pulso bago inabot saakin ang isang panyo.

"Oh, pawis na pawis." reklamo niya.

Agad ko iyong tinanggap at nagpahid ng pawis. Ngayon ko lang napansin, malamang dahil iyon sa pagtakbo ko!

"Hinabol ko yung plate ko! Gosh, muntik na hindi tanggapin!" sumbong ko sa kanya kahit alam kong wala naman siyang magagawa doon.

"Tapos pa!" I laugh and proceed on telling him my story on how I bumped with my two exes. Ex-boyfriend and ex-best friend.

"Gago, akalain mo 'yon, ako pa talaga huh!" natatawa kong kwento sa kanya at binaba ang kamay kong nagpupunas ng pawis ko sa mukha at leeg kanina pa.

"Sila yung naglandian sa likod ko tapos ako pa yung nagtapon ng pagkakaibigan namin?!"

"Ako naman palagi!" Sigaw ko at tumawa. I look at Hezekiah in front of me. His jaw is clenched but his eyes are fixed on me.

Tumulo ang luha ko habang tumatawa. Hindi ko na napigilan pa ang aking emosyon.

"Heze, bakit ganon? May nagawa ba akong mali?"

Mariin siyang nagmura at hinila ako sa kanyang bisig. He hugged me tightly as I cried in his chest.

Ayoko na. Ayoko na magtiwala. Ayoko na magmahal. Ayoko nang masaktan. 

Every Step AwayWhere stories live. Discover now