ESA39

54K 1.5K 379
                                    

ESA39

"Nothing, I just called you to say hello." mahina kong sabi sa kabilang linya.

Naglakad ako palabas ng hallway kung nasaan ang mga VIP rooms upang hanapin si Hezekiah sa mga table sa labas.

Noong matagpuan ko siya ay naglalakad na siya papalapit saakin. I guess he found me first.

"Then, I just answered to say job well done."

Natigilan ako at parang kinurot ang aking puso sa narinig.

"How w-" Hezekiah stopped when he realized I was talking to someone.

"I did?" tanong ko kahit alam ko namang wala siyang alam kung anong naging pag-uusap namin.

Siguro kaya agad siyang napapayag ni Hezekiah na isama ako dito sa Manila dahil sinabi na rin nito ang balak niyang gawin.

"But I think I messed up..."

Hezekiah held my waist. Lumingon ako sa kanya at malungkot na ngumiti. Ang sakit na kaninang nararamdaman ko unti-unting naghilom. Talking to Dad and being in Hezekiah's arms.

I will be true to my words that I will try my best to be happy now.

"You didn't..."

"But how could you know?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ni Hezekiah. He was just silently listening to my words, maybe finding some clues about what happened inside.

"Because I know you grew up hard but beautiful. Your decisions are refined by the things that made you strong. I trust you more than you could ever know..."

I breathe hard as I felt my tears build up below my eyes. I felt Hezekiah kissing the top of my head. Tumigil kami sa tapat ng kanyang kotse. He let me lean on his car as he positioned in front of me.

"Thank you, Dad."

"Thank you, Chrysanthe."

I bite my lower lip. Every time I said thanks to him, he always answered me with another thanks. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nakasanayan niya.

I gazed at Hezekiah who's patiently waiting for his turn. Palihim akong napangiti.

"Dad, can I stay here for a day?"

"Stay there for a week or so..."

Napakurap ako dahil sa kanyang sinabi. Isang araw lang ang pinaalam ko!

"Ha? Bakit?" tanong ko agad.

Halos hindi niya ako payagang sumama sa kampanya pero ngayon hinahayaan niya ako dito ng buong linggo?

"Because I know you want to be there."

"Pano mo nasabe?"

Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Hezekiah. Napakurap ako. Nagtatanong lang naman ako? Anong nakakatawa?

"Bahala ka." huling narinig ko kay Daddy bago ako binabaan ng tawag.

Aba! Ang attitude talaga! Noong una halos kiligin ako tapos sa huli bababaan ako?

"Seriously?"

Tawang-tawa naman si Hezekiah sa tabi ko sa hindi ko malamang dahilan. Bakit parang ang saya niya?

"Heze!" pagalit kong sabi dahil nakapasok na kami't lahat sa kotse niya ay naririnig ko pa din ang pagpipigil niya ng tawa.

Ano bang meron?

"Search it." utos niya saakin.

"Anong isesearch?" inis kong tanong.

Hindi niya pa din iniistart ang kotse.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now