ESA9

49K 1.7K 594
                                    

ESA9

"Kuya, do you have stocks pa po ng styrofoam?" tanong ko sa staff ng bookstore kung nasaan ako ngayon.

Mula sa kanyang inaayos na mga folders ay napalingon siya saakin.

"Nasa dulo po Ma'am. Check nyo po."

I smiled awkwardly. "Eh isa nalang po natitira."

Mukha namang agad niya iyong naintindihan at agad siyang tumayo mula sa pagkakadukwang.

"Check ko po, Ma'am."

"Thank you po."

Habang hinihintay si Kuyang staff ay naglakad ako papalapit sa parte kung nasaan ang mga acrylic paint. I'm just gonna need the primary colors, black and white. Madali lang namang mag mix para makuha ang ibang kulay.

Noong mapadako ang tingin ko sa mga paint brush ay agad din akong natempt. But my paintbrushes are still fine though. Masyado pa akong maraming gagastusin para sa miniature ko. I can't buy excessively.

Kumuha pa ako ng dalawang glue bago ako bumalik sa kung saan ko kinausap si Kuya.

"Ma'am, wala na po eh." nagkakamot siya ng ulo noong bumalik.

Ngumiti ako at tumango. "Ayos lang po. Thank you..."

Bumalik ako kung nasaan ang nag iisang stryo foam at nagdesisyon kung kukunin ko ba iyon. Pwede pa naman akong bumalik para isahan nalang. Isasabay ko nalang sa mga kakailangan ko pa sa susunod, siguro.

Dadaan pa ako sa isang shop para sa plywood. Tama na muna ito.

Napataas ang tingin ko noong may kumuha ng styrofoam na tinititigan ko. My throat ran dry and I smirked.

What now huh?

"S-santh..." Iris called, shocked and nervous.

Noong isang linggo, si Rylan. Ngayon naman, itong kabit niya. What game is fate really playing?

I sigh deeply and walk away. Agad akong nagtungo sa cashier upang magbayad sa aking binili.

"Santh, can we talk?" tanong niya saakin.

Agad niya akong nasundan at naabutan dahil wala pa naman siyang nabibili at hindi pa kailangang magbayad.

"Santh, please..."

Tumingin sa kanya ang cashier na parang nagtataka bago bumalik ang tingin saakin.

"Ma'am, kinakausap po ata kayo..." aniya.

"Guni-guni mo lang yon, Ate." sagot ko sa kanya at nagbigay ng isang libo.

She accepted it and glance at Iris again.

"Santh..."

Inabot niya ng cashier saakin ang sukli. I waited for a little until she's done fixing all I bought in a paper bag. She stapled the receipt in it and give it to me.

"Thank you, Ma'am."

"Thank you..." I said. Nilingon ko si Iris na nasa tabi ko bago ko siya nilagpasan.

"Santh." hinila niya ang aking braso na nakapagpatigil saaking paglalakad. I turned to her because of the force of her pull.

"Please..."

Natulala ako noong makita ko ang pagtulo ng luha sa kanya. My heart broke. I loved her. Never in my life that I imagine myself being in a situation like this with her. To me, she was an angel sent to share a life with. We cried with each other when one's in pain. We shared our happy and hard days as best friends. Seeing her cry right now... it made me realize how big and painful this change is.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now