Epilogue

71.5K 2K 677
                                    

Note: We've reached the end! Thank you for joining my beloved Chrysanthe and Hezekiah on their one of a hell journey. Like them, may you find where you truly belong, your right path, and your own destinations. Have a wonderful trip towards your best versions! 

See you at Rash's! Check out Rugged Series 2: Every Missing Piece in my profile! 

xxx

ESA45

Epilogue 

Hinanap ko siya kung saan-saan. Hindi ako naniniwala na kaya niya akong iwan ng ganito. I know her so much. She may step away from me but she won't totally vanish like this. Hindi pwede... my Chrysanthe Eve won't do this to me...

Halos mabaliw ako dahil ito ang unang pagkakataon na mawala siya sa mata ko at sa paligid ko. Parang tinakasan ng kabuluhan ang mundo ko noong unti-unti kong nadama ang kawalan ng kanyang presensya.

Baby... where are you? Please... parang awa mo na, Santh, bumalik ka na.

I know I did hide the truth to her. Pero iyon lang naman hindi ba? She can understand that. I know her well. Bakit nauwi sa ganito? Ano pa bang nagawa kong mali? Did I hurt her too much? May kulang ba? Ginawa ko naman lahat ng kaya ko... is it not enough?

What went wrong, really huh? Baby, fill me up, please... come back to me...

Akala ko ang pinakamasakit ko nang mararanasan sa pagmamahal ko sa kanya ay ang lahat ng beses na pinapanood ko siyang humakbang papalayo sa akin. May mas malala pa pala... ito iyon.

Para akong pinarusahan para sa bagay na hindi ko naman alam kung anong naging parte ko at ang kapalit noon ay walang hanggang sakit.

"Bro, pasensya na. I tried but we saw no sign." paumahin ni Rash saakin.

Mariin akong napapikit noong marinig ang kanyang sinabi. Hinilot ko ang aking sentido at sinapok ang table kung nasaan kaming apat. I asked for him to check their airline database pero wala raw record ni Santh doon.

"I asked for some investigator to find her... still no reports." saad ni Six.

"Gago..." bulong ni Theo.

I know they are all trying to find her... she's their friend too and they are already worried... however me, I've been dying to see her.

Parang bawat araw na lumilipas, nagiging mahirap para saakin na salubungin dahil alam kong wala siya.

Naglapag ng papel si Theo sa aking unahan. Tinitigan ko iyon at nilingon siya.

"Her dad's place. Pinahanap ko... baka la-"

Hindi ko na hinintay pang matapos ang kanyang sasabihin. Agad kong hinagip ang papel at tumakbo palabas ng lugar kung saan kami nagkita upang puntahan ang address na nakasulat.

"Papasukin nyo ako!"

"Sir, hindi nga pwede. Private property ito!" saad ng pumipigil saaking guard sa harap ng mansyon ng mga Lofranco dito sa Cavite.

Nakaabang din ang ibang mga guards sa maaring kong gawin.

"I just wanna talk to the Governor!"

Kung hindi niya pa alam na nawawala si Santh, kailangan niya iyong malaman! And I also want to make sure he's not hiding her! I want to know...

"Wala ho si Gov dito, Sir!"

"Si Santh? Is Chrysanthe there?" tanong kong muli.

"Wala ho! Hindi napunta si Ma'am Santh dito!" sagot niya ulit.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now