ESA35

51.9K 1.9K 776
                                    

ESA35

"W-why would you fire her?" tanong ko pagkatapos makarecover sa pagtulala dahil sa kanyang sinabi.

Am I imagining things or he really called me baby?

His gray eyes glowed with unknown entertainment. Is he playing with me?

"Because you want to..."

Umiling ako at umiwas ng tingin. I look back to scan his office. Nakita ko ang receiving area niya hindi kalayuan.

"No... I'm... I'm j-just telling you about it. Upo nalang ako doon." I awkwardly said and without waiting for his words, naglakad na ako palayo at umupo sa kanyang couch.

"Do you want anything? Drinks?" tanong niya noong makaupo ako.

Nilingon ko siya. Ganon pa rin ang posisyon niya at pinapanood lang ako sa aking mga kilos. Kanina lang, parang seryosong-seryoso siya at parang 'kay laki ng kinaiinisan tapos ngayon naman, parang tuwang-tuwa siya.

Kung hindi ko lang siya kilala, baka akalain kong may sakit na siya sa utak.

"Nope. I'm good."

"Anong gagawin mo?" tanong niya pa rin.

Seriously? I thought he has something to do? Bakit ako pa rin ang kinakausap niya?

"I don't know. Anything?" I said.

Wala rin naman akong ideya pero may mga gadgets naman akong dala para gamitin. O baka magsketch nalang ako sa iPad.

"Just work on your things, Hezekiah." dagdag ko.

I don't know if I'm just mistaken but I saw his eyes looking drunk as his smirk turned into a small smile.

"Okay..." he said.

Noong bumagsak ang kanyang mata sa mga papel na nasa kanyang lamesa ay agad ko namang kinuha ang aking cellphone sa aking bag.

I immediately composed a text to Dad.

Ako:

Dad, I'll meet a friend. I might not go home. Sa condo nalang po muna ako.

I scrolled on Facebook. Sinasaulo ko pa din ang mga bagong features dahil masyado nang maraming nagbago. 2 years din kasi akong hindi gumamit ng kahit anong social media apps.

Halos mahagis ko ang cellphone ko noong tumunog ito. Shit! Seryosong-seryoso ako dito tapos tutunog!

Nakita ko ang paglapat ng tingin saakin ni Hezekiah dahil sa pagtunog ng phone ko. He raised his eyebrow to me and he didn't withdraw his stare.

Sinagot ko agad ang tawag.

"Dad?" agad kong tawag.

"Anong klaseng pagkikita ang gagawin mo at hindi ka uuwi? Hapon palang, Chrysanthe Eve." agad niyang salubong.

Napangiwi ako. Gosh. Akala ko payag na siya dahil hindi siya agad sumagot.

"Dad alam mo, buti di ka naging babae." biro ko sa kanya.

Sigurado mas grabeng mag-rant at magsermon itong si Daddy kung babae siya. Oh my!

"Wag mong iliko ang usapan."

Napakamot ako ng ulo at napasulyap sa direksyon ni Heze. He's back with his paper works but I know he's listening to me. Hindi man sinadya ay dahil naririnig niya naman talaga ako.

"I'll just meet some friends. Mamaya pang gabi baka umabot ng madaling araw..."

"What?"

My Dad, no matter how old now will remain to be a probinsyano at heart. Palaging ang gabi ay gabi at dapat nasa loob na ng bahay ang lahat.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now