ESA12

45.8K 1.6K 358
                                    

ESA12

"Namimiss ko na mag club." lutang na sabi ni Theo at agad umupo sa tabi ko.

"Edi go." sagot ko sa kanya.

"Joke ba yon, Eba?"

Ngumisi nalang ako at umiling. "Just be a good student for now and party later."

Rash shook his head. Mukhang nakikisimpatya sa kanyang kaibigan.

"Kung alam ko lang ganito pala mag archi di nalang ako nagpahila sayong gago ka." saad ni Rash.

Tumawa ako at tinapik ang kanyang balikat.

"Aren't you four years late for that?" tanong ko.

"Hoy, hindi kita hinila! Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga asarin ang nanay at tatay mo!" depensa ni Theo sa kanyang sarili.

I don't know much about Rash's personal life. Hindi ko pa rin nakikita ang parents niya dahil according to him, they are always away, quote-unquote.

Ngumisi lang si Rash at hindi na nilabanan ang sinabi ni Theo dahil mukhang sang ayon naman siya doon. My forehead creased. He entered Architecture to piss his parents but how come he's so good at it?

He's damn talented, huh?

"Bilisan nyo na." utos ko.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria at nakaupo sa pabilog na lamesang pang apatan. Yes, Cafeteria. Dalawang linggo na rin kaming nakain dito dahil kailangan naming magmadali at gamitin ang sobrang oras ng break para gumawa ng plate.

Sunod sunod kasi ang bagsak saamin ngayon kasabay ng quizzes. They don't wanna leave me alone anymore. Hindi ko alam pero dati naman ay mabilis lang ako makapagpaalam sa kanila na hindi sasamang kumain dahil gagawa pa ako ng plate.

We always eat first before going to the library together since hindi naman namin kailangang sa drafting room pa gumawa dahil AutoCAD naman iyong gamit namin. 

"Kailan ulit pasahan noong miniature?" tanong ni Rash.

"Next week ata?" as I remembered.

Napatigil si Theo at narinig ko ang kanyang mura.

"No shit?" tanong niya.

Tumaas ang kilay ko at kinuha ang cellphone ko sa bag. I saved all my deadlines so that I won't get confused.

Tinignan ko ang aking calendar at nakita ko nga iyon na nakalagay next week. 5 days from now.

"Yup." I showed them my phone.

"What the fuck, man! Sabi mo dalawang linggo pa!" inis na sabi ni Rash.

Theo raised both of his hands. Looking guilty but still wanna get free from accusations.

"That's what I thought!"

Natatawa akong bumaling sa kanila kahit medyo nag aalala din dahil mukhang seryoso ang panic sa kanilang mga mukha ngayon.

"Kaya pala petiks lang kayo pagtinatanong ko kayo huh." I said while chewing my food.

Nag away silang dalawa habang tahimik lang akong kumakain at pinapakinggang ang pagtuturuan nila.

"Gago ka, walls palang nagagawa ko!"

"Ako din naman, bro. Ayaw mo non, goals tayo?" palusot ni Theo.

Malakas akong tumawa dahil sa malutong na mura ni Rash. Goals, putek. Iba talaga takbo ng utak ni Theodore.

"Goodluck." biro ko sa kanilang dalawa.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now