ESA41

48.4K 1.4K 401
                                    

ESA41

Dumating ang waitress upang kunin ang orders namin. I blankly ordered a frappe because I don't think my mind is the right state up until now.

Para akong nahihilo gamit lamang ang ilang salita.

Iris ordered too and I waited for the waitress to go. It felt like I waited for years.

Ngumiti saakin si Iris noong makita ang titig ko sa kanya. I breathe hard with the unstable and continuously increasing heartbeat.

"C-can you repeat what you've said?"

Kumunot ang noo niya. Tila nagtataka saakin dahil maayos naman akong nakakausap kanina. I think my look in her eyes changed too.

Of course, I'm disturbed right now and my pain inside is growing kahit hindi ko pa nakukumpirma.

"Ano don?" tanong niya.

"Sinong naka-move on?" tanong ko.

Mas lalong umusbong ang kuryosidad sa mata niya. Of course, she's slowly getting it.

"Your ex?"

"Which..."

Napangiwi siya. Hindi pa rin nagugustuhan na palaging iyon ang ginagamit ko.

"Why would I talk to you about the first one when you had another after? Si Hezekiah of course! Your best friend-boyfriend-ex."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Shit, gago ka, Heze!

"He's kissing someone?" tanong ko sa kanya.

The lower part of my eyes are starting to heat up and my tears are building. Shit, hindi ka pwedeng umiyak dito, gaga ka ba? You're in a public place!

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin pero pagdating talaga sa kanya ang babaw ko! I can't overthink, right?

Hindi pwede itong bigla akong magco-conclude. Baka namali lang ng tingin si Iris!

"Wait why-oh shit. Don't tell me..." napaawang ang bibig niya habang panapanood akong kontrolin ang sarili kong luha.

Hindi pwede, Santh!

"Akala ko ba nakamove-on ka na?" tanong niya saakin.

Hezekiah went to my unit a little late last night. Madami daw siyang tinapos dahil nagtambak daw noong ilang beses siyang hindi pumasok. I fully understand that. Pero bakit may naririnig akong ganito? Ano ba talaga ang totoo?

"Baka naman iba, Iris... baka nagkakamali ka lang..." I said to her.

Huminga ako ng malalim. My heart is clenching so badly that I wanna go to Hezekiah and ask him a lot of things.

What the hell is this?

Iris looked worried. Luminga-linga pa siya na parang naghahanap ng magpapakalma saakin ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay upang bumalik ang atensyon niya saakin.

"Tell me... baka hindi naman siya... he can't do that to me."

Natulala saakin si Iris. Tila hindi inaasahan ang narinig na salita saakin. She blinked for times and her last blink made her eyes angry.

"Kayo?!" mataas ang boses niyang tanong saakin.

Napatingin sa amin ang ilan na nasa malapit na table dahil sa kanyang boses. Napalunok si Iris doon at tila bahagyang kumalma. She held my hand tightly.

"Shit, seryoso ba, Santh?" tanong niya saakin.

I nodded slowly. Nagtagumpay ako sa pagpigil ng aking luha ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang sakit na nanunuot sa aking dibdib.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now