ESA18

45.7K 1.5K 270
                                    

ESA18

I believe I won't be able to survive this world without Hezekiah. At totoo iyon. He was my savior, my to-go guy, my one-call-away friend, my keeper of secrets, and my comfort zone.

Nakatagpo ako ng isang pamilya na hindi ko inaasahan sa kanyang katauhan. Isang tawag lang, narito na siya sa tabi ko.

Minsan nga para siyang himala na bigla nalang dumadating tuwing kailangan ko siya. Kapag tumatawag ako, tuwing binibigkas ko ang pangalan niya, sa isang iglap ay magpapakita na siya sa tabi ko.

He is my own miracle.

But the thing with miracles is they often come surprising and unexpected.

And today, the miracle of him not appearing when I call him came to me.

Isang himala na kailanman hindi ko inaakalang mangyayari dahil nabuhay ako sa kanyang pangakong hindi siya mawawala saakin.

"Santh?"

Pumikit ako at inilayo ang cellphone ko saakin upang hindi niya marinig ang aking pag-iyak.

Santh, tangina mo naman. Alam mo namang may sariling buhay yung tao at hindi naman pwedeng umiikot nalang parati sayo! Anong pang ina-arte-arte mo?!

Pero si Heze kasi to.

Yung Hezekiah ko.

"Chrysanthe." muli niyang tawag noong nilapit ko ang aking cellphone sa tenga ko. I hugged myself because I feel so cold.

"Okay. Take care, maulan." paalala ko sa kanya habang umiiyak akong nakatingin sa pagtulo ng ulan at sa madilim kong paligid na pinapaliwanag ng iba't ibang head lights ng sasakyan.

"Ayos ka lang ba?"

"Hmm."

"Sagutin mo ako, Santh."

"Baba ko na, Heze. Nagda--drive ka ata."

Baka hindi ko na mapigilan pa ang pag iyak ko kung matagal pa ito.

"Kinakausap pa ki-"

I hung up.

Kasabay ng pagbaba ko sa kanya ay ang tawag na dumating mula kay Dad.

Pinikit ko ng mariin ang aking mata at hinagis ang aking cellphone sa ulanan. Bakit pa siya tumatawag? Para pagalitan ako ulit? Para sisihin nanaman ako?

Why do I feel like I'm being blamed for existing when I don't even have a part in it? They brought me up in this world! Kasalanan ko ba iyon?

Bakit kapag tinitignan nila ako parang mas masahol pa ako kaysa sa anak sa labas? Na isa pa din akong kamalian ng kanilang nakaraan?

Umupo ako sa shed at niyakap ang aking tuhod habang umiiyak.

I'm so fucking cold.

Sobrang tagal kong binuo ang sarili ko. Pinagtagpi tagpi kahit parang halos wala nang pag asa.

I laugh with my tears still flowing freely in my cheeks.

Gago, di naman ata talaga effective 'yang self-love na 'yan. Pipiliin ang sarili? Bakit ang sakit pa din?

Pinahid ko ang luha ko. Para akong gaga dahil hindi naman yon pansin dahil basa ako at isa pa, wala ding kwenta dahil tumutulo din naman yung mga bago.

Sobrang lakas ng ulan at mukhang hindi ganon kadali na makakuha ng masasakyan ngayon. The only thing I wanted to do is go home. The only safe space where no one can hurt me.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now