ESA7

52.1K 2K 633
                                    

ESA7

"Kala Theo siguro..." I answered as I continue combing his hair with my fingers.

It was a lazy morning for both of us. Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headboard. Nakahiga naman si Heze habang nakaunan saaking hita. He was busy playing something on his phone while talking to me.

Actually, pumunta siya rito para sunduin ako at sabay kaming bumaba ngunit noong mahiga siya sa kama ay tumanggi na siya sa pag alis. Kaya nandito pa din kami hanggang ngayon.

"That's nice, it's a pretty good company."

Tumango ako at ngumuso. Actually, I haven't thought about it still. Ngayon lang na tinanong niya kung saan akomag a-apply ng apprenticeship, sumagi ito sa utak ko. Kailangan ko na talaga iyong pag isipan.

Del Real Construction is already a well-established firm. It's popular and well trusted. Hindi ko alam kung bakit sumulpot sa utak niyang tanungin ako sa kung saan ko gustong magtrabaho dahil kung tutuusin, medyo malayo pa 'yon sa katotohanan! Nagpa-isip din tuloy ako!

"Stick to Theo and Rash." aniya.

Ngumuso ako at tumigil sa pagsusuklay ng kanyang buhok. Sure akong si Theo, didiretso talaga 'yon sa kompanya nila. Pero kay Rash, ewan ko lang kung may balak ba silang dalawang maghiwalay.

"Gusto ko sa Del Real."

It's good to have a company because it will be more bearable. However, I feel challenged to try and be independent so that I can learn more.

"Mas maganda kung may kasama ka."

I nodded at him.

"I'll think about it."

May oras pa naman siguro ako para makapag isip ng malalim at magdesisyon. Marami rin namang mga firm pa na maari kong pasukan.

"I'm sure you'll do well, though." simple at walang duda niyang sabi. Napanguso ako dahil doon. He's more confident in me than I do in myself. 

Agad akong bumaling sa kanya noong ibaba niya ang cellphone niya at hinanap ang mata ko.

"What do you wanna do for today?"

Nag isip ako. It's our last day. Mamayang gabi ay babyahe na kami pabalik ng syudad. It's sad but I know we can't stay longer.

"I want to build a sandcastle."

Napangiti ako sa pambata kong ideya. Really Santh, huh?

"Okay, do you need your triangles and t-square? Ruler?"

I glared at him and smack his arm. He chuckled and caught my hand.

"Sandcastle kasi!"

"Malay mo kailangan mo ding iplano." natatawa niyang saad.

"Saya ka?" inis kong tanong.

He smirked at me and gave me a thumbs up.

"Super po."

Napatingin kami parehas sa pinto noong may kumatok. Hindi pa kami nakakabawi sa pagtataka ay agad na itong nagbukas. Hindi iyon nakalock dahil pumasok si Heze kanina.

"Santh, nakita mo ba si-" natigilan si Nanay Luz sa pagtatanong noong makita niya si Heze na nakahiga saaking hita. Napangiti siya.

"Ano po iyon, Nay?" tanong ko.

Umalis si Heze sa pagkakahiga saakin at umupo.

"Akala ko ay umalis ka, nandito ka lang pala." nakangiting sabi ni Nanay Luz kay Heze.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now