ESA21

51.8K 1.7K 570
                                    

ESA21

"Doon nalang ako sa kabila." I said and pass over the door of his room to go to the other bedroom.

Kakatapos lang naming magdinner. I insisted on having it in the dining room. Hindi ko kasi gusto ang feeling na ako lang ang kumakain sa kwarto at nakabantay lang siya. Di naman ako napilay o kung ano para hindi makatayo at maglakad.

I entered his guest room. Puti halos ang nakikita ko. Light wood ang gamit na materyal para sa bedside table, bed frame, at sa built-in closet. Puti ang kutson, unan, at bedsheet. It's very vacant and looks like it hasn't been touched. Walang kahit na anong bagay. Buti nga may bed sheet pa eh.

His condo actually looks like a showroom without any personal thing. Mukhang simula noong lumipat siya ay hindi niya pinag-abalahan ang pag aayos. Kung hindi mo makikita ang kwarto niya ay hindi mo aakalaing may tao pala dito.

"Sa kwarto ka na!" hindi pa ako nakakaupo sa kama ng kanyang guest room ay agad nang nagbukas ang pinto at sumilip siya doon bago tuluyang pumasok.

"That's your room."

"We shared a room in your condo," he argued and walk closer until he was in front of me.

"That's because I only have one room."

"Ganon din yon, c'mon."

"Mahahawa ka nga." hinawi ko ang kamay niyang nakalahad.

"Hindi kita mababantayan pag magkahiwalay tayo."

My forehead creased as I look up to him. Siya naman ay nakababa ang tingin saakin dahil nakatayo pa rin siya.

"Di ako baby para bantayan."

"Baby kita."

I blushed and look away. Dati naman sanay na ako sa paglalandi nito ah?

I moved to settle on the bed. Tuluyan naman siyang umupo sa gilid ng kama.

"Tatayo ka o bubuhatin kita?"

I glared at him and kick his leg. Hindi man lang siya nagalaw kahit nagbigay na ako ng pwersa doon. He chuckled.

Tumayo siya muli at lumapit saakin. Akmang aabutin na ang aking likod ang binti kaya gumulong ako sa kabilang bahagi ng kama para makaalis doon. I stood up.

"Fine! Fine!"

He chuckled. Sinalubong niya ako sa paglalakad papunta sa pinto. He opened the door for us while his arms circled on my waist and his hand landed softly on my stomach.

Kumawala ako sa kanya noong makapasok kami sa kwarto niya. He has bigger bed compared to mine. King size ang kama niya, habang queen size lang ang akin.

His forehead creased when he saw me curled once again inside his comforter.

"Giniginaw ka ulit?" tanong niya.

Naiwan kasing bukas ang air-con kanina at malamig na ulit ang paligid. Nakita ko siyang naglalakad papalapit sa air-con. I turned to watch him.

"Mamaya mainit nanaman..." reklamo ko sa kanya.

Lumingon siya at nakita akong nakatagilid ang higa at pinapanood siya.

"Hihinaan ko nalang."

I nodded.

Naglinis ako ng sarili at nagpalit ulit ng damit. Noong natapos ako ay siya naman ang dumiretso sa banyo upang maligo.

I removed my pony and comb my hair using my fingers. Hindi ko na siya nahintay pang matapos dahil agad na akong nakatulog.

Every Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon