ESA14

44.7K 1.7K 622
                                    

ESA14

"Where are you staying?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng mall.

Noon kasing sinubukan kong pumunta sa kanila upang hanapin siya ay sinabi saakin ng kasambahay nila na hindi na daw siya nakatira roon. Sabi rin naman ni Theo at Rash ay hindi nila alam.

"I bought a unit close to the office."

Tumango ako sa kanyang sagot. I don't know what to say next. Syempre, kung hindi siya umuuwi malamang bumili yan ng condo! Common sense naman, Chrysanthe!

"Paano yung damit mo sa unit? Kukunin mo ba?"

Napatigil siya saglit at tumingin saakin. He looked at me like he didn't expect me to ask him that. I smiled at him, looking innocent but breaking inside.

Say no, Hezekiah. Please.

Sabihin mo saaking babalik ka.

"I'll drop by some time."

Mas lalong bumigat ang aking nararamdaman. Fuck it, Santh. Why do you keep digging your own grave?

"Okay, text ka lang."

"Sure."

He opened the exit door of the mall for me. Diretso lang akong naglakad. Ramdam ko ang kanyang hakbang sa likod ko hanggang sa muli kaming magkatabi. We're already in the parking lot.

"What do you want for a gift?"

Tumingin ako sa kanya.

"Why? Hindi ka pa nakakabili?" tanong ko.

That's unusual. Although hindi naman required saamin na magbigay ng regalo sa isa't isa. We always prepare for each other's present for birthdays and Christmas. Nakagawian lang.

Pero hindi na dapat ako magtaka. Everything's unusual too.

"I want to buy you something that you really want."

I sigh and look at him disappointed. Hindi ko na iyon naitago dahil sa narinig ko sa kanya.

It's not that I want to receive a gift. Kahit wala, ayos lang ako. Pero ang marinig iyon sa kanya? I thought he memorized every piece of me? Like what he always says.

"You used to know everything I want," I said to him.

His eyes widen. Bumuka ang kanyang bibig upang agad na magsalita.

"Santh, that's-"

"Heze?"

Napalingon kaming dalawa dahil sa tumawag sa kanya. Heze looks shocked but he managed to sport a formal and a bit friendly smile.

"Ara." bati ni Heze sa babae.

The girl smiled widely.

"Hi! Hindi ko ineexpect na makita ka ngayon dito. I know you're workaholic and it's still your work hour!" masayang sabi ng babae.

Napataas ang kilay ko. Wow, so may schedule ba siya ni Hezekiah? Parang secretary ah?

Heze laugh and shook his head.

This fucking man. Sa buong mga oras na magkasama kami ni hindi pa siya tumatawa ng ganon.

"Hindi naman. Hindi naman puno ang schedule ko ngayon so..."

"Oh, ako din actually. I'm shopping for groceries today kaya nag early out ako."

Wow, we're suddenly non-existent, Santh. Happy Birthday!

"You're living alone?" gulat na tanong ni Hezekiah na parang ngayon lang nakakita ng independent na babae.

Duh? I'm sixteen when I started living alone!

Every Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon