ESA22

50.6K 1.6K 324
                                    

ESA22

The following days became better for me. Noong una kinabahan pa akong pumasok sa klase ni Sir Valdez noon pero wala namang nangyari. He didn't seem to mind what happened before. He was all normal so I tried to be normal, too.

Mukhang spur of the moment lang ang nasabi niya noong nakaraan.  

"Huy, patingin na kasi ng bebe mo! Pangit ba kaya ayaw mong ipakita?" pangungulit saakin ni Cathy habang naglalakad kami papuntang elevator para pumunta sa Cafe sa baba at mag lunch.

Napatawa ako. Pangit daw?

Tinignan ko ang aking phone sa kamay noong maramdaman ko ang vibrate noon.

Hezekiah:

Babe

Napakamot ako ng ulo. Kanina pa 'to. Sabi ko wag muna akong itext eh.

Yup, I already had my new phone. Binili ko 'to noong unang araw na naging maayos ang pakiramdam ko dahil essential possession sa panahon ngayon.

Ako:

Heze, nasa meeting ka.

Heze:

Nakikinig naman ako.

I frowned. Maniwala naman sa kanya. Dati nga natitiis niyang hindi ako maitext, ngayon pa kayang ilang oras lang naman?

Pumasok kaming dalawa ni Cathy sa elevator.

Ako:

Kakain lang ako. Just listen to the meeting.

"Hoy! Eba!"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko noong marinig ko ang malakas na boses na iyon. Muntik ko pang mahampas si Theo dahil sa gulat mula sa bigla niyang pagsigaw sa gilid ko.

"Hayop ka!" I glared at him. Tinuloy ko ang paghampas sa kanya ngunit tumawa lang siya.

"Busyng-busy ka! Hindi mo man lang kami napansin!" tampo niyang saad ngunit may halong kalokohan. Napalingon ako sa tabi niya kung nasaan si Rash na nakangisi lang na nakatingin saaming dalawa habang nakasandal sa elevator.

Umikot ang tingin ko kung sino ang kasama namin. Nakita ko si Cathy na nakatayo sa isang gilid, tahimik at nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid na parang mabait na bata. She was watching us curiously. There are two more girls who's not familiar to me, nasa gilid din sila at kinikilig dahil sa presensya ng dalawa. Ako naman ay nasa gitna.

"Sino ba 'yan ka-text mo ah?"

"Wala kayong klase?" tanong ko sa dalawa, ignoring Theo's question.

"Meron, CR lang..." ngising aso ni Theo saakin.

Nanliit ang mata ko. For sure, I know what that CR means! Palagi nila iyong ginagawa lalo na noong nag-aaral pa sila Heze at Six! They'll cut!

Nagbukas ng elevator kaya pare-parehas kaming lumabas. Cathy stood, waiting for me. Mukhang hindi rin naman iyon big deal sa kanya dahil abala pa siya sa pagtingin sa dalawa. Tumigil ako ilang hakbang ang layo sa elevator. Ganon din ang dalawa.

"Magpakaayos nga kayo!" I scolded them.

"CR nga lang, Santh..." Rash chuckled.

"I won't believe you two! Akyat na ulit! May CR naman every other floor ha! Bat nasa ground floor kayo?"

"Bibili lang kami sa Cafeteria!" biglang bawi ni Theo sa excuse na magsi- CR.

"Nagutom ako bigla..." Rash said while looking around. I glared at him. Ano ba 'tong dalawang 'to! Magkakamping-magkakampi sa kalokohan!

Every Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon