ESA42

51.8K 1.4K 433
                                    

ESA42

Mas lalong bumigat ang aking puso. Parang tinakasan ako ng lakas upang humakbang pa muli habang nakatingin ako sa kanya.

Naramdaman ko ang muling pagtulo ng luha saaking mata kaya agad akong kumilos upang punasan iyon. Sa kabila ng pagsusumamo sa kanyang mata ay inipon ko ang aking buong lakas upang hilahin palayo sa kanya ang aking kamay.

I just can't do this today...

Sasabog na ang utak ko sa lahat ng ito.

"Maybe..." I said nodding with my falling tears before turning around to walk away.

Tama naman siya. Palagi akong lumalayo. But what can I do? I only want to protect myself and the people around me too.

Hindi ko naman ginugustong lumayo.

I just find it necessary all the time before we destroy each other.

Bago pa ako makasakay sa elevator ay naramdaman ko na ang mahigpit na hawak ni Hezekiah sa aking braso. Nauna pa siyang pumasok ng elevator bago pa ako na hila-hila niya.

"What the fuck, Hezekiah!" singhal ko at pilit kumakawala sa kanya ngunit dumausdos lang ang kanyang hawak saaking pulso ngunit hindi niya pa rin ako pinapakawalan.

Nagpumiglas lang ako ngunit naging mas matigas siya. Ni hindi niya ako nililingon ngunit mahigpit ang hawak niya.

"Let me go!" I shouted to him.

Nag igting ang kanyang panga ngunit at nilingon ako. Halos hindi ako makahinga noong makasalubong ko ang madilim niyang mga mata na ngayon ay nag-aapoy na sa galit.

"Not again, Chrysanthe. It's either you'll stay or you'll go with me."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Tumulo ang luha ko habang nakatingin pa rin sa kanya. He immediately look away like my tears could kill him.

Why is he hurting me like this?

Handa naman akong makipag-usap. Handa din akong tanggapin lahat ng kanyang sasabihin. I won't mind even if throw me all most painful words he can find... basta ibigay niya lang saakin ang araw na ito.

"Let me rest, Heze." mahina kong pakiusap sa kanya. "I'm so tired of living, don't you know?"

The world keeps on hurting me. Habang ako, patuloy nalang na sinusubukang gawing maayos ang mga bagay para sa sarili ko. Hindi ko kailanman gustong aminin na napapagod na ako dahil ayokong sumuko.

But for years of fighting and trying to build myself alone. Who am I kidding? Tapos ganito din naman ulit...

Gusto ko lang namang huminga.

Naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang kapit saaking pulso. Nakatungo lang ako habang pinupunasan ang luha kong hindi ko na mapigil.

Gaano ba katibay ang kailangang kong maging para hindi na masira muli?

Wala na akong naging lakas pa upang lumaban. I just let him hold me and lead me to wherever he wants. What's the use of fighting, anyway? Hindi naman niya na ako papakawalan.

Nakarating kami sa parking lot. Hawak niya pa rin ang kamay ko noong buksan niya ang passenger seat at marahan akong hinila upang makapasok ako. Napapikit ako noong maramdaman ko ang haplos niya saaking mukha at ang pagpatak niya ng halik saaking noo. Another tear fell from my eyes.

"I'm sorry, baby." bulong niya saakin bago sinara ang pinto at umikot sa kabi upang sumakay sa driver seat.

Tahimik lang akong nakatingin sa bintana. Ganon din siya. I don't know where are we going because I don't have anything with me.

Every Step AwayOnde as histórias ganham vida. Descobre agora