ESA4

60.8K 2K 578
                                    

ESA4

I spent my vacation acting like a corpse, kahit na palaging nariyan si Heze, tuwing nagpapakita lang siya saakin ako nabubuhayan. Nag enroll ako kasabay ni Theo at Rash kaya naman magkakaparehas kami ng schedule.

I tried my best to motivate myself. It's my fifth year and I can't mess this up. All of my life, I've been so excited about reaching this far. Hindi ko lang magawang itama ang pag iisip ko hanggang ngayon.

Hindi ko inaakala na dadating ako sa punto na hindi ko hinahayaang mangyari noon. I am distracted and sidetracked. Para akong sinampal ng Prof ko dahil sa sunod-sunod na kapabayaan ko.

Tahimik lang akong nakatingin sa daan habang nagdadrive si Heze. I've been thinking of my past actions in school and my attitude towards studying. Ibang-iba ang pagsisimula ko ngayong taon kaysa sa mga nakaraan. I've thought about the dreams I made since I was a kid. Bakit ko hinayaang mangyari ito?

"A penny for you thought?"

Napalingon ako kay Heze noong magsalita siya. He glance at me for a while and back in the road again. Umayos ako ng upo, bahagyang paharap sa kanya. I leaned on the car seat.

"I can't mess this up, Heze..."

I cannot let everything that had happened affect my life like this. Katulad na lang ng biglang pag usbong ng emosyon ko noong nakita ko si Iris at Rylan. I have to clear them out of my system and start to make it work for myself again.

"You won't, babe." parang sigurado niyang saad saakin. Nilingon niya ako at ngumiti.

Napanguso ako habang pinapanood siya. I miss seeing him in school! Though masaya namang kasama sila Theo at Rash ngunit syempre ay sanay akong apat sila.

"Aren't you busy?"

"Not really."

Hindi ako naniwala. I know it's been hard on him. Ilang linggo pa lang pagkatapos ng kanyang graduation ay agad na siyang humalili sa kanyang ama bilang President ng kanilang kompanya. Though he's been training for years now, iba pa rin na nasa kanya na talaga ang buong kontrol.

"Pwede mo naman akong hindi sunduin." saad ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at nilingon ako.

"What do you mean by that?"

"Baka kasi busy ka."

He swiftly parked his car before completely giving me his full attention.

"I'll make time for you." saad niya bago bumaba ng kotse.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nauuna siyang maglakad na kala mo ay sa kanya ang unit na pupuntahan namin. Hinayaan ko na siya, tutal ay parang ginawa na rin naman niyang bahay ang bahay ko.

Gumilid siya noong makarating kami sa tapat ng unit ko para magbigay daan saakin. Binuksan ko ang pinto gamit ang aking finger print at pumasok. I let it open for Heze.

Agad akong naupo sa couch at isinampa ang aking paa sa coffee table. I close my eyes to rest for a minute. Naririnig ko ang ingay ng mga yabag ni Heze. Noong binuksan ko ang mata ko ay hindi ko siya nakita sa kahit saan ngunit napansin ko ang nakasarang pinto ng aking kwarto .

Maybe he's changing clothes. Marami na kasi siyang damit dito dahil nagdadala siya palagi at iniwan. The moment he learned that I spend my nights getting drowned in alcohol, gusto niya na palaging natutulog dito para mabantayan ako.

He sleeps here for at least three times a week. Kaya naman kapag wala siya, doon lang ako nakakapagpuslit ng alak. Kapag kasi wala siya, hindi ako makatulog. So I have to get drunk again, kahit pinangako ko sa kanyang hindi na ulit ako maglalango sa alak.

Every Step AwayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora