ESA11

48.2K 1.6K 698
                                    

ESA11

Hezekiah Kingston Jimenez is not just a person for me. He's my shelter and my safe haven. He made me love my life no matter how cruel it is. I consider him as my only consolation in this world of hate and pain.

The only thing bright in my darkness.

Hindi ako manhid. Hindi rin ako tanga. Siguro, medyo. Pero alam ko at ramdam ko kung anong meron saaming dalawa. I know that sometimes, we exceed on just by being friends. Kaya patuloy akong humahakbang palayo kapag alam kong sumosobra na.

It's so hard to fight back against myself and cage my own emotions. Pero kailangan ko itong gawin at labanan. I love him and I can't lose him.

Not with this.

"Lasing ka lang." pagod kong saad sa kanya.

My heart is hurting so bad right now. Narinig ko ang mahinang tawa ni Hezekiah. He's still looking down while laughing. Noong tumaas ang kanyang tingin ay agad akong umiwas.

"No..." iling niya. Tumayo siya mag isa at umalis sa pagkakasandal sa kanyang kotse. Napalingon ako sa kanya. He smirked at me.

"Alam ko pa kung anong sinasabi ko, Santh."

Umiling ako at inilahad ang aking kamay.

"Let's go home, ako na magda-drive." saad ko sa kanya.

Pilit niyang hinuhuli ang aking tingin ngunit patuloy akong umiiwas.

"Heze, ako na magda-drive." ulit ko upang kunin ang kanyang atensyon.

Ngumisi siya saakin at umiling.

"Kaya ko."

Iniwan niya akong nakatayo saaking lugar at umikot para magtungo sa driver's seat. Mabilis siyang sumakay agad. Ilang minuto pa akong nakatayo saaking lugar habang nakatulala. Nagising lang ako noong bumusina siya.

I opened the passenger seat's door and went inside. Naging tahimik ang aming byahe pauwi. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana sa buong oras na nasa daan kami.

"Gumalaw ka, baka magkastiff neck ka dyan." rinig kong saad ni Heze.

Agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. He smirked at me mockingly. He looks pissed and I understand.

"Hindi mo kailangang umiwas na parang may kung ano sa mukha ko."

Napapikit ako ng mariin.

"Do you really wanna fight right now, Hezekiah?" tanong ko.

He snickered. "Hezekiah, my ass."

"Stop being a jerk!"

"No, you stop being a jerk," he said gritting his teeth.

"What?" inis kong saad sa kanya.

Napansin ko ang pagpasok namin sa parking lot ng condo kaya noong maayos siyang nakapagpark ay mabilis akong lumabas ng kanyang kotse at malakas itong sinara.

"Attitude."

Mas lalo akong nagngitngit sa galit noong marinig ko ang kanyang sinabi. Hindi ko siya pinansin at agad akong pumasok ng elevator ng hindi siya hinihintay. Napansin ko ang paghabol niya saakin pero agad nang nag sara ang elevator.

Damn him.

Tumingin ako sa taas upang pigilan ang luha ko. I wanted to say I'm hurting too. Hirap na hirap din akong kumilos upang lumayo at itago ang lahat para sa sarili ko.

I loved him since we were kids. And I want that love to stay pure. I don't want to touch it and mess up again.

Pumasok ako ng unit at binaba ang aking sling bag sa couch. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig.

Every Step AwayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt