ESA13

45.6K 1.5K 549
                                    

ESA13

Tumatakbo ako papasok ng SAU dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase ko. Malalate na ako!

Napuyat kasi ako kagabi dahil pinilit kong tinapos ang plate kong ipapasa ngayon. Isa lang naman ang klase ko ngayon pero eto nga, mukhang male-late pa ako.

Ilang beses akong huminga ng malalim noong marating ko ang room. Humawak ako sa door knob pero hindi ko muna iyon binuksan. Inayos ko muna ang sarili ko at nagpakalma ng saglit.

Noong feeling ko ay mukha na akong normal ay binuksan ko na ang pinto.

Halos mapatalon ako sa gulat noong may sumagot pagkabukas ko palang ng pinto. Confetti rained around me.

"What the-" fuck?

Hindi ko matuloy dahil nasa school ako. Catholic School pa naman ito.

Shet? Eto na ba ang bagong pagwelcome sa mga late? Ang shala ah?

Mas napanganga ako noong mapansin si Theo na naglalakad saakin habang may hawak na box ng cake. There's a candle in it that's lit up.

Kumunot ang noo ko.

My classmates started singing a happy birthday song kaya bumagsak ang aking panga. Birthday ko?

Weh?

Oh shit. I totally forgot.

"Happy birthday, Eba!" bati ni Theo pagkatapos kumanta ng mga kaklase namin. Nakangiti si Rash na nakaharap saaming direksyon. Nakasandal siya sa teacher's table sa unahan.

"Wow, thanks." I said, surprised.

"Blow mo na!"

I smiled and blow the candle. Our classmates cheered after.

"Happy Birthday!" ulit ni Theo at niyakap ako gamit ang isa niyang braso dahil nakahawak sa cake ang isa.

"Thank you so much, Theo. Nanguntsaba pa kayo huh?" Niyakap ko siya pabalik.

"Yup, that's easy. They can't say no to us."

Of course, lahat ng babae dito ay may gusto sa kanila o gustong mapansin nila. Ang mga lalaki naman ay kaibigan nila.

Humiwalay ako at naglakad papalapit kay Rash na naghihintay saamin.

"Happy Birthday!" maligaya niyang pagbati saakin bago ako niyakap.

"Aww, sweet naman ng boys ko!" natatawa kong saad at niyakap si Rash pabalik.

"Thank you." I sincerely said.

May ilan pang mga kaklase ko ang bumati saakin na agad ko namang pinasalamatan. Theo put the cake in an empty arm chair near us.

"Nasan si Ma'am?"

"30 minutes late daw sabi ng rep natin."

Tumango ako. Grabe! Sayang ang pagmamadali ko doon! Habang wala pa si Maam ay nagkolekta naman ng plate ang representative ng section namin upang ipasa doon sa prof namin sa major ko.

Iyong pinag puyatan ko kagabi.

Six:

Happy Birthday.

Aw, pati itong hindi naman mahilig mag text. Ang cute talaga nila!

Ako:

Thank you, Six. I miss you!

Pagkatapos kong magreply ay kinulit na ako ni Theo na magpicture daw kami. Mandatory birthday selfie daw iyon. I put my chin on his shoulder and pose for the camera.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now