ESA38

54.4K 1.6K 674
                                    

ESA38

"Wooo!" sigaw namin ni Cali habang pumapalakpak ng malakas.

"Yes, we fightin'!" muling sigaw ni Cali.

Kakatapos lang ng speech ni Daddy dito sa covered court ng isang baryo. I'm not really familiar with every barangays here in Cavite but as I heard, we're currently in Tanza.

Dad gave a heartwarming and a very good speech about the past events that had been coming in our family. That no matter what, he will stay true and just focus on giving his service because that's more important.

But I can't still help but to feel really afraid when he said he won't back down.

I smiled when I heard the screams of the people around cheering for his name.

Noong matapos ang lahat ng kaganapan sa stage ay agad akong naghakot ng t-shirts upang ipamigay. Ganon din ang ginawa ng mga pinsan ko.

Naghiwa-hiwalay kaming lahat upang mamahagi ng hawak namin.

"Re-elect Gov. Cris po!"

I smiled at all of the people.

"Lofranco ka din ba, hija?" tanong saakin ng isang matanda.

I smiled at her and give her a t-shirt.

"Opo..." sagot ko.

Ngumiti siya at tumango. "Kay gandang lahi eh! Iyang si Gov, napakamatulungin talaga niyan! Siguradong panalo ulit!"

"Thank you po..." nakangiti kong sabi sa kanya.

Lumapit ako ulit sa tent kung saan nakalagay ang pinapamigay noong maubos ang aking dala.

Pamaypay naman ang kinuha ko para mas madami akong maabutan.

"Kuya, wag nyo pong kalimutan number 1 sa balota."

Hindi ko ininda ang pawis at nagpatuloy pa rin ako.

"Governor Cris p-"

Kinilabutan ako noong imbis na tanggapin ang aking inaabot ay nagpatong ang lalaki saaking balikat ng towel upang tuyuin ang pawis ko.

I look up to see Hezekiah's serious face.

Kumalma ako at agad hinampas ang kanyang braso. Napangiwi siya.

"Hayop ka! Akala ko kung sino!"

Inabutan niya ako ng tubig na agad kong tinaggap. Agad niya namang nahila saakin ang hawak kong mga pamaypay.

"Upo ka na, ako na dito."

Sinubukan kong hilahin pabalik saakin ang mga pamaypay ngunit hindi niya binalik.

"Heze!"

"Cris Lofranco po, Nay..."

Napanganga ako noong magsimula na siyang mamigay ng hawak ko kanina. Hindi ako umalis sa tabi niya habang namimigay siya. I dried my sweat with the towel Heze used on me and drink on the water he gave.

Napanguso ako habang pinapanood siya upang pigilan ang aking ngiti.

Shit! President and CEO? Namimigay lang ng pamaypay at nangangampanya?

Nakita ko ang mga kabataang kinikilig sa hindi kalayuan. Bakit nandito itong mga ito? Botante na ba ito?

Hindi ko mapigilang maging proud! Hah! Sige tingin lang, hanggang don lang naman kayo.

"Lofranco ka din po?" someone on our age asked him like how an old woman asked me a while ago.

Hindi na nga alam ng iba kung saan titingin dahil kay Hezekiah at sa mga pinsan ko. Duh? We got good genes too!

Every Step AwayWhere stories live. Discover now