Chapter 3

41.9K 1.8K 913
                                    

Chapter 3

What Is Love? 

I stared at him, my mouth in slight agape. Did I hear him right? Kinukuha niya ang papel ko? 

Tinanggal ko ang ka isa-isang earphone na nasa tainga ko habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa kanya. 

He raised his brows as he stared at me back. I don’t know what to react because this situation is very foreign to me that I am having second thoughts if I really did get what he’s trying to say. O baka naman namali ako nang dinig? 

“Excuse po kay Kuya Ciel!” 

Our stares that was close to being a contest was interrupted by a small girl’s voice coming from the first door of this classroom. 

Halos magkasabay kaming napatingin ni Ciel sa pinanggalingan ng boses and there I saw a little girl, wearing a uniform as well. 

“Kuya Ciel! Pinapabigay ni Daddy!” Sigaw niya mula sa labas ng classroom namin at inangat ang isang paper bag na may mukha ni Jollibee. 

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ciel bago ika-ikang naglakad papunta sa gawi ng babaeng tumawag sa kanya na ‘kuya’. I assume she’s his sister because despite of our distance, I can see from here that she’s got the same curly hair as Ciel’s. 

Sinundan ko nang tingin si Ciel hanggang sa makalapit na siya sa kapatid niya. Kinuha niya ang paper bag mula dito at nag-usap sila saglit na hindi ko na nakuhang marinig dahil sa distansya namin. 

Natapos ang usapan nila sa isang tango ni Ciel. Muli na siyang umikot paharap dito sa gawi ko. 

I watched him as he takes his slow steps towards me. My brow arched when he pulled the empty chair right in front of mine. Pinaikot niya ito paharap sa akin bago siya tuluyang umupo doon. 

Damn! Magharap ang upuan namin. Nakaupo siya sa harapan ko. Ano ba ang trip nito? Hindi ko talaga mapigilang hindi magduda, e. I was so used of being treated worse that being treated good is starting to scare me. 

I eyed him as he puts his hand inside the brown paper bag. When he pulled his hand out, I saw few capsules caught in between his fingers. 

Muli niyang tinupi sa ibabaw ang paper bag at tuluyan nang nalaglag ang panga ko nang bigla niyang iabot sa akin iyon. 

I looked at me, quizzically. 

“Take this.” He said.

“Ako?” 

His face straightened. “Hindi, ‘yung upuan. Baka kasi gutom na siya.” Pamimilosopo niya. My face turned into a small scrunch.

“Syempre, ikaw. Tayo lang naman ang dalawa dito.” Bawi niya. 

“But why?” I asked, sounding confused, and almost mocking. Hindi ko talaga maintindihan. 

Umarko ang isa niyang kilay. “Why not?” 

Umawang ang aking bibig ngunit walang salitang lumabas. I had to chew my bottom lip for a few seconds before having the courage and the sanity to speak again. 

Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na niya ako. 

“Come on, just take it. Nagpabili na ‘ko ng lunch kay Cyprian at umay na umay na ‘ko sa lasa niyan dahil halos araw-araw kaming nagpapa deliver para sa kapatid ko.” He said, pushing the bag further towards me. 

Alanganin ko itong kinuha. The moment my hand touched the paper bag, I flushed. I don’t know why but I suddenly felt embarrassed. Bakit sa akin niya pa naisipang ibigay? Dahil ba mataba ako? 

To Fall And Conquer (It Girls Series #2)Where stories live. Discover now