PROLOGUE

2.8K 62 1
                                    


Author note; As you can see sa mga old readers binago ko po talaga yung title ng story. Sana po magustuhan niyo.

Prologue ...

Hindi matigil sa pagtulo ang luha ko habang isa- isang hinuhubad ang mga damit ko sa gitna ng stage. Sa madilim na lugar sa harap ng mga taong naghihiyayawan. Hindi ko inakalang aabot sa puntong gagawin ko 'to. Mali. Alam kong mali. Sa mata ng diyos , sa batas. Respeto at dangal ko sa sarili yung mawawala pagkatapos nito. Susunugin ko yung sarili ko sa impyerno sa pagbinta sa sarili kong katawan. Pero kailangan kong gawin to. Kailangan ko ng pera. Kailangan ako ng anak. Kailangan ako ni gino ang anak kong nakaratay ngayun sa hospital.

Pinikit ko yung mata ko. Sa huling sa patak ng luha ko ay naalala ko kung bakit nangyari to. Kung bakit nandito ako ngayun.

" Ate mhelanie ! Ate mhelanie !" gumalaw yung papag na hinihigaan ko kaya nagising ako. Minulat ko yung mata ko at nakita ko si Mark na tumatalon- talon sa hinihigaan ko. Biglang kumulo yung dugo ko at aabutin na sana ang tabo sa ibabaw para ibato sa kanya ngunit bago ko magawa yun ay nagsalita na siya.

" Si kuya gin ate ! Nandito na siya !" Nanlaki yung mata ko at napabalikwas ako ng bangon. Lumingon- lingon ako tiningnan kung may taong nakarinig sa kanya bago ako bumalik sa kanya.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now