Chapter 23

989 25 0
                                    

Chapter 23

UNTI- UNTING nag iiba ang kulay ng kalangitan. Napapikit ako at dinama ang sariwang hangin ng aming probinsya. Dumilat ako at tinignan ang unti- unting pag ilaw ng mga kubo sa malayo.


Sa pagpikit ko naalala ko ang nakaraan ko. Kung ano ako noon. Ang inosenteng mhelanie na walang ibang iniisip. Ang laki ng pinagkaiba ko ngayun. Nararamdaman ko yun sa sarili ko. Malaking responsibilidad ang nakapasan sa balikat ko ngayun mas marami na akong nakitang makamundohang bagay simula ng magtrabaho ako sa club.


Marami na akong naranasan pero pakiramdam ko sa pagbalik ko dito bumalik ang dating ako. Ang simpleng mhelanie. Ang masiyahing mhelanie. Ang babaeng inosente na umaakyat sa mga puno. Gusto ko maranasan ng anak Kong ano ang naranasan ko noon. Gusto ko siyang dalhin sa lugar na kinagisnan ko.


Nang maranasan niya ang normal na pakiramdam ng pagiging isang bata.


Tumigil ang sasakyan sa isang napakalaking mansyon. Ako yung huling bumaba. Kita ko ang pag awang ng labi ng mga kasama ko tila hindi sila makapaniwala na may nakatayong mansyon sa gitna ng bukid.


Tumingala lang ako.


Mayaman si Gin. Inisip ko nung sinabi ko kaya sakanya noon na may anak kami susuportahan niya kaya ang anak namin. Malamang ' Oo'. Mabait naman si gin. Sigurado akong hindi niya pababayaan ang anak namin kahit may asawa na siya. Pero mas iniisip ko noon ang iisipin ng ibang tao samin ng anak ko. Mas iniisip ko ang magiging kinabukasan ni Gino. Magmumukha siyang bastardo. Pauulunan siya ng tukso lalo na't kilala ang pamilya ng Villaester mapa sa probinsya man o maynila. Dahil sila ang nagmamay ari ng isa sa pinakamalaking plantation sa buong bansa. Siya rin ang nagmamalakad ng kanilang kompanya.



Kaya mas pinili ko nalang magtago at magpakalayo- layo. Pero kay liit ng mundo dahil nagkita parin kami na parang sinasadya ng tadhana. Ito na Ba yung SIGN na sabihin ko sakanya na may anak kami ? Pero natatakot ako na mangyari ang kinatatakutan ko noon.

Ayukong maapektuhan pati si gino pagnagkataong malaman na talaga ng lahat .



" Nakapunta ka na ba dito? " tanong ni Tamara.

Malungkot na tumango ako. Dito nakatira ang ama ng anak ko. Dito kami unang nagkita. Napaigtad ako ng maramdaman Kong may humawak sa braso ko. Nakita ko ang seryusong mukha ni Gin.


Sabay- sabay kaming pumasok sa mansyon. Lahat sila ay namangha habang nililibot ang kanilang tingin. Ako nama'y kinakabahan at medyo pinagpapawisan dahil kilala ako ng ibang tao dito lalong lalo na ang mommy ni Gin. Rinig ko ang pagkabog ng dibdib ko.


Relax mhel... Relax...


" Gin! "

Patakbong bumaba ng hagdanan si Tita Gina. Nang makalapit samin ay niyakap niya ang kanyang anak. Nag usap muna sila bago siya tuluyang bumaling samin.

Nanginginig na yung tuhod ko.

Lihim na napalunok ako ng magawi sa banda ko ang kanyang tingin. Nakita ko ang paglaki ang kanyang mata at bumalik sa kanyang anak. Nag usap sila gamit ang kanilang mga mata.



Napakagat ako ng ibabang labi ko. Tumikhim muna siya bago kami hinarap pero habang nakikipag usap siya sa mga kasamahan ko ay panay ang tingin niya sa banda ko. Ako nama'y di mapakali sa kinatatayuan ko.


ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now