Chapter 11

1.3K 35 1
                                    

Chapter 11


" EARTH TO MHELANIE !"

Bigla akong nagising sa pagkatulala ng sigawan ako ni sheila sa gilid ng aking tenga.

Tiningnan ko siya ng masama.

Tumawa naman siya na parang nasapian. Lumapit sa kanya si  Alex at sinabayan siya sa pagtawa. Napailing nalang ako at napatingin ulit ako sa cellphone ko na kanina pa nagriring.

Bawat tawag ng di ko kilalang numero ay hindi sinasagot. Ina assume ko na bawat tawag dito sa cellphone ko ay si Gin na agad yun kaya bigla akong kakabahan. My mga times na hindi ko nalang binubuksan yung cellphone para sigurado. Ganun ako ka Paranoid.

Kung lumiliit ang mundo namin at hindi ko maiwasang magkita kami kahit saan. Pweding ako nalang ang umiwas diba? Lahat gagawin ko para hindi lang kami magtagpo ulit.

Napatingin ako kay tamara na ngayun ay malalim ang iniisip. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakatulala sa hangin. Nilalaro niya ang ballpen niya at ilang beses ko narin siya narinig na bumuntong hininga. Kumunot ang noo.

This days lagi nalang siya tulala may problema ba siya? Hindi ko narin siyang nakitang magkasama ni Cristan. Anong nangyari LQ? Nang magawi ang tingin niya sakin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya ay umuwas siya ng tingin. May problema nga siya.

" Saan ka mhel ?"

Tanong ni alex habang naglalakad kami sa hallway. Sasagot palang sana ako ng bigla siyang sumigaw.

" Ay ! Ang gwapo !"

Sigaw niya habang nakatingin sa likod ko. Bigla akong kinabahan. Relax mhel. Bakit ka ba kinakabahan? Ano naman kung magkita kayo ulit ni Gin. Wala kang tinatago. Yun ang alam nila. Wala silang alam mhel kaya wag kang paranoid. Ikaw mismo ang nagpapahalata sa sarili mo.

Nakita kong umirap si sheila. Napakunot ako ng noo. Bakit niya naman iirapan ang pinsan niya. Nag away ba sila? Sinundan ko ang kanilang tingin. Malakas na yung kabog ng dibdib ko pero hindi ko nakita si Gin. Ibang lalaki ang nakita ko na ngayun ay pinagkakaguluhan ng lahat. Nakahinga ako at lihim kong chineck sa bandan puso ko. See? Ganito ako ka paranoid.

Pinagmasdan ko nalang ang reaction ni sheila habang nakatigin sa lalaking yun. Boyfriend niya ba? Umiling ako. Mukhang hindi eh. Ang mukha niya kasi parang gusto niyang patayin ang lalaki. Matalim ang titig niya dito kahit wala naman itong ginagawa sa kanya. Napailing ako at napangisi. Matukso nga.

" Crush mo sheila?"

Kumunot ang kanyang noo at lumalim ang kanyang paghinga habang tinitingnan ako. Namangha ako sa naging reaction niya. Parang sakin napunta ang galit niya at nawala dun sa lalaki. Napailing ako. Nakuha ng atensyo namin ng babaeng biglang sumigaw.

Inakbayan pala siya ng lalaki habang nagse selfie sila. Bumaling ako kay sheila na ngayun ay nakataas ng kilay.

Napadaan ulit ako sa gilid ng kalsada. Kahit alas dyes na ng gabi ay marami paring tao sa daan pauwi sa bahay namin. May nagvi- videoke pa , nag iinuman , at meron ring may nag aaway na mag asawa.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad tulad ng nakagawian. Hindi ko pinansin ang nakatingin sakin. Nasanay na ako sa kanila.

May nag iihaw rin sa tabi. Meron ring nakatambay na kabataan sa may poste mapa sa lalaki o babae man. Parehong silang napatingin sakin nung dumaan ako. At bumabalik rin sa kani kanilang ginagawa kapag nakalagpas na ako sa kanila.

Ganito kagulo yung mundong pinasukan ko. Dapat maging matapang ka kahit sa dilim wag kang magpadala sa takot. Walang lugar dito ang mahina. Kung inosente at mahinang babaeng tagabukid parin ako ngayun siguro hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

Naging malakas ako at naging matapang ako nung dumating si gino. Kailangan ko siyang protektahan. Kailangan ko siyang protektahan kahit anong mangyari.

Magulo. Kailangan ko siyang iiwas sa gulo. Kung hindi man kami makakatakas sa magulong mundo na pinasukan ko. Sisiguraduhin ko nalang hindi siya mapapahamak. Kailangan muna nilang dumaan sakin bago nila mahawakan ang anak ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong kaluskos sa paligid ko. Nilibot ko yung paningin ko. Nasa dulo na pala ako ng daan kung saan wala na masyadong tao. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at mas binilisan pa yung lakad ko.

Halos takbuhin ko na ang daan upang makalagpas lang sa madilim na parte ng kalsada. Mabilis ang pintig ng dibdib ko at tumutulo narin yung mga pawis ko. Kahit natatakot lumingon ako sa aking harapan.

Napatigil ako dahil wala naman tao dun. Nilibot ko pa yung paningin ko para makasigurado. I knew it. Napaparanoid na naman ako. Napahawak ako sa dibdib ko at hinabol ang aking hininga.

" Ate."

Napatalon ako ng may biglang may nagsalita sa likod ko. Tumingin ako sa bata na ngayun ay nakakunot ang noo. May hawak siyang isang mahabang pulang rosas sa kanyang kamay.

" Ate may nagpapabigay po."

Inabot niya sakin yung pulang rosas. Nagdadalawang isip na tinanggap ko ito at nanginginig pa yung kamay ko. Pagkakuha ko ng rosas ay mabilis na tumakbo ang bata at sa isang iglap lang nawala agad siya sa paningin ko. Napakurap kurap ako. Ano yun?

Pinagmasdan ko ang binigay niya sakin. Nakakahindig balahibo ang kakaibang kulay ng rosas. Pulang pula ito at kasing kulay na ito ng dugo. Inamoy ko ito at pinitik ko ang aking mata. Bigla kong naalala ang nangyari nung gabing yun.

Si Boss Jordan , Ang Baril , Ang nakadilat na Bangkay.

Napadilat ako ng makaamoy ako ng dugo.

Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko sa madilim na parte ng lugar ang lalaking laging sumusunod sakin. Madilim ang parte ng mukha niya at may hawak siyang sigarilyo. Nakangisi siya at diretso ang tingin niya sakin.

Bumababa ang tingin ko sa kanyang kamay. Namutla ako ng makita ko ang kotselyong hawak niya na puno ng dugo. Nanginginig yung tuhod ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko.

" MEOOWW ! MEOOWWW !!!"

Nakuha ng itim na pusa ang atensyon ko. Napaawang ang labi ko at ibinalik ang tingin sa madilim na parte ng lugar. Ngunit wala na siya dun ngunit mas lalong umalingaw ngaw ang masangsang na amoy ng isang dugo.

Bumalik ako sa pusa.

Tuluyan ng nanghina yung tuhod ko at napasalampak sa sahig ng makitang nakahandusay na ito sa pwesto niya kanina at wala ng buhay.

Katabi niya yung kotselyong hawak ng lalaki kanina.

SHORT UPDATE BITIN PO BA ? Mag uupdate ko uli ako mamaya. Bilang pambawi :)

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon