Chapter 14

1.1K 26 0
                                    

Chapter 14

Gin

" She's my Ex."

Nalaglag yung panga niya at kumurap kurap.

" Your WHAT ?!"

" She's my girl. She is my mhelanie I was talking about." bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya na ngayun ay nakanganga parin. "Naikwento ko na siya sayo noon diba?"

" Woah. So yung kinababaliwan mong babae at ang kaibigan ko ay iisa?"

Di makapaniwalang tinigan niya ako. I just stared her coldly. May naglalarong kislap sa kanyang mata. I knew it! She's already thinking. Bigla siyang tumalon talon. Napairap ako at napahilamos ng mukha. Tama ba na pumunta pa ako dito? I know her. She's CRAZY !

Tumigil siya at humarap sakin na nagngingiti. Pinagsalikop niya ang kanyang dalawang kamay. Bumaba ang tingin ko dun at tinaasan siya ng kilay.

" Soooo? You need my help?'

" Tell me , what do you want ?" deritsahan kong tanong dahil alam kong nag iisip na siya.

Tumingin siya sakin at napailing. Tinapik niya ako sa balikat. She's really CRAZY.

" Cous remember? Ikaw ang may kailangan sating dalawa hindi ako. Kaya ako ang may karapatang magdemand dito."

Napabuntong hininga ako. Pinikit ko muna yung mata ko at minasahe ang noo ko para pakalmahin ang sarili ko. For your mhel gin...

" So ? Let's stalk about business. "

Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang siya.

Mhelanie point of view

" Oh ? Mhel ! Sweldo mo !"

Inabot sakin ng bakla ang ilang daang libo. Napakunot ako ng noo dahil sobra yun sa dapat sanang sweldo ko ngayung gabi. Mukhang napansin niya naman ang pagtataka sa mukha kaya sinagot niya ang mga tanong sa utak ko.

" Tips ng mga suki mo yung iba diyan. Tanggapin mo na pinabibigay yan sayo ni Madam. Baka isampal niya sakin ang perang yan pag di mo tanggapin."

Nagbubulungan na naman ang mga kasama ko. Ang iba napapairap at ang iba sinasabing ' SIPSIP kasi eh.' Napailing nalang ako at tinago yung pera ng di binibilang at umalis na sa harapan nila.

Hindi ko sasayangin ang oras ko sa kanila.

Lumabas ako ng club.

Bumungad sakin ang madilim na iskinita at patay yung tanging ilaw sa poste na nagbibigay liwanag saking daan. Inilabas ko yung cellphone ko.

Pagbukas ko ay lumitaw agad sa screen ang isang mensahe mula kay sheila. Wala sana akong planong basahin yun pero parang may nagtutulak saking basahin yun.

FROM: SHEILA

    I found out something.😜😇😍

Napakunot noo ako. Ano na namang kabaliwan ang nasa isip ng babaeng to? Napabuntong hininga ako at hindi ko nalang siya pinansin.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now