Chapter 38

1.1K 23 1
                                    


Chapter 38

Nakayakap ako sa tuhod ko habang tulalang nakatingin sa pinto ng puting kwarto. Hindi mapigil sa pagtulo ng luha galing sa mga mata ko. Di ko alam kung bakit . Basta ang alam ko mabigat yung dibdib ko , gusto ko lang iiyak. Gusto ko lang ilabas ang lahat.

Bumukas ang pinto at pumasok si Bernadette. Agad kong pinunasan ang basang pisngi ko. Nang makita niya ang mukha ko ay napabuntong hininga siya.

Lumapit siya sakin. Bumaba ang tingin ko sa pagkaing dala niya. Inayos niya ito at inihain sa harapan ko. Pero hindi ko yun ginalaw. Tinitigan ko lang ito . Napabuntong hininga ulit siya.

" Kumain ka na Tiza , kailangan mo pang uminom ng gamot. "

Tinitigan ko siya sa mata. Napakagat ako ng ibabang labi at unti- unting inangat ang kamay kong nanginginig. Kinuha ko yung kutsara na may lugaw pero dahil nanginginig nga ang kamay ko ay nagkalat lang ito sa maliit na lamesa. Agad namang kumuha ng tissue si Bernadette at tinulungan ako. Sa huli ay siya nalang ang nagpakain sakin at nagpainom ng gamot.

Nang matapos ay bumalik ako sa dating ayos. Nakayakap saking tuhod at nakapatong dito yung ulo ko. Lumabas muna si Dette pero ilang minuto lang ay bumalik din siya. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako. Hindi ko siya nilingon at nakatingin lang sa pinto.

" Pupunta ako sa mga pulis mamaya . Pagkatapos ng duty ko. Baka may nagreport na nawawala. Baka may naghahanap nga sayo Tiza. Ang mga pulis na pumunta dito nung isang linggo. Iba yung hinahanap nila e. Hindi raw ikaw. " naramdaman kong sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

" Napapansin ko lagi ka nalang tulala. May namimiss ka noh?" Napakunot noo ako at tumingin sa kanya. Nakita ko ang kakaibang ngiti sa labi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit pakiramdam ko tama siya? Tama yung mga sinasabi niya. Kahit hindi ko maintindihan kung ano yun.

"Wala ka ba talagang naalala? Kahit kunti? Kahit isang pangalan lang?

Umawang ang labi ko ang napakunot noo.

" Gin.. " biglang lumabas yun sa bibig ko.

Nanlaki ang mata niya.

" Sino yun Tiza? Naalala mo?!" umiling ako. Bumagsak ang balikat niya.

" Siguro kong sino man si Gin. Siguro mahalaga siya sa iyo at malaking parte siya ng pagkatao mo kasi naalala mo siya. " ngumiti siya sakin.

" Maraming Gin sa mundo , Tiza. Hirap isa- isahin nun."

Napakagat ako ng ibabang labi. Lihim kong hinawakan ang dibdib ko. Bigla itong sumakit na parang pinipiga ang puso ko. Unti- unti namang tumulo yung luha sa pisngi ko. Nakita iyun ni Bernadette kaya napabuntong hininga ulit siya.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at niyakap ako. Kinulong niya ako sa mga braso niya. Nagtaka ako nung una. Pero kalaunan ay natagpuan ko nalang yung sarili ko na niyayakap siya pabalik. Sinubsob ko yung ulo ko sa dibdib niya at doon na tuluyang umiyak. Naramdaman ko nalang ang paghaplos niya sa likod ko.

" Tiza! Gising! Gising! " naramdaman ko na parang may yumuyugyog sakin. Minulat ko yung mata ko. Naramdaman ko namang basa ang noo ko at panunuyo ng lalamunan ko.

Bumungad sakin ang may pag aalalang mukha ni Dette. Dahan dahan akong bumangon. Inalalayan niya naman ako. Nilibot ko yung paningin ko at napahawak saking ulo. Umangat ang tingin ko kay Bernadette. Nakita kong kumuha siya ng tubig at inabot ito sakin.

Kinuha ko ito at mabilis na ininom dahil tuyong tuyo na talaga ang lalamunan ko.

" Okay ka na , Tiza? " napakunot ako ng noo. Bakit sa t'wing tinatawag niya ako sa pangalang yan. Parang hindi ako. Parang ibang tao? Tumango nalang ako kahit na naguguluhan.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now