Chapter 16

1.1K 27 3
                                    

Chapter 16

" SAMA KA SAMIN MHEL ! Sa bar ni insan. May gig si Tam ngayun. Let's support her!." Walang gana ko ng tiningnan si Sheila.

Na ngayun ay nagngingiti. Napakunot noo ako. Kanina pa 'to ha ? Sabagay BALIW naman talaga siya hindi na nakapagtataka.

Hindi ko pinansin ang malawak na pagngisi niya. Sinubsob ko nalang yung mukha ko sa armchair. Tinagilid ko yung ulo ko at humarap sa kabilang banda. Narinig kong tumayo siya sa gilid ko at umupo sa harapan ko.

Ngumuso siya tila nagpipigil na ngumiti. Kaya nagmumukha siyang baliw na ngumingiti mag isa. Tinitigan niya ako ng malalim tila kinikibisado yung mukha ko. Nagulat ako ng bigla siyang tumili. Kaya napatingin samin ang ibang kaklase namin sa last subject ngayung araw.

Lumapit samin si alex at tumabi sa baliw niyang kaibigan. Asual may dala na naman siyang lollipop. At nakapagtataka dahil hindi siya pinansin ni sheila at hinayaan lang siya nito.

Napabaling ako kay sheila na hanggang ngayun ay di parin inaalis ang titig sakin. Kahit si alex at nagtataka rin sa inaasal ng kaibigan niya. Anong nangyayari sa kanya? Naka DRUGS ba siya ?

Inilapit niya ang kamay niya sakin at sinuklay ang dulo ng buhok ko.

" Ganda mo mhel noh? Hindi nakapagtataka na maraming nagkakagusto sayo. Pero lihim lang silang nangangarap. Lahat sila takot lapitan ka kasi nga SUPLADA ka."

" Adik ka ba ? Hah ? Sheila?"

Tinuro niya ang sarili niya at di makapaniwalang tinitigan ako.

" Ako?! ADIK?" tumawa siya ng malakas kaya nagkatinginan kami ni alex.

Nagkibit balikat lang si siya mukhang nasanay na sa kabaliwan ng kaibigan niya. Napangiwi ako ng dinilaan niya ang kanyang lollipop. Itim pa yung kulay nito kaya nangingitim na yung labi niya pati narin yung ngipin niya.

Samahan pa ng buhaghag niyang buhok halatang di nakakapagsuklay mukha na siyang HALIMAW SA BANGA.

Nang makita niya ang reaksyon ko ay tumawa rin siya. Sinabayan niya pa talagan si Sheila? Nilibot ko yung paningin ko. Lahat na pala ng tao sa loob ng classroom ay nakatingin na samin ang iba nagbubulungan pa at pinagtatawanan sila.

Napatakip nalang ako ng mukha sa sobrang kahihiyan.

Lord please save me ...

Nagawi ang tingin ko sa pinto saktong dumating si tamara. Nakahinga ako ng maluwag. Aleast may makakausap na akong matino. Umalis ako sa harapan ng dalawa at pumunta sa pwesto ni tamara.

Umupo ako sa tabi niya.

Ngunit hindi niya ako pinansin ay nakatingin lang sa bintana. Sinundan ko ang kanyang tingin. Napakunot noo ako ng dumaan si Idan dun. Unti- unting gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi ko. Tumikhim ako kaya nabalik siya REALIDAD.

Tinitigan niya ako na parang nagtatanong. Nakaawang ang kanyang mga labi na parang wala siya sa kanyang sarili. Naningkit ang mata ko.

" Si Idan yun diba? Hinatid ka?" hindi niya ako sinagot at tinitigan lang ako. Napailing nalang ako. The COLDHEARTED princess. Tsk!

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now