Chapter 9

1.3K 35 1
                                    


Chapter 9

MAAGANG nagising si Gino. Natawa nalang kami ni lona sa kanya dahil naligo na siya kahit alas sais palang ng umaga.

Hindi mawala ang ngiti sa labi niya lalo na't kapag napapatingin siya sa gawi ko. Halatang masayang masaya siya Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay hindi ko na maalala kung kailan ang huling nangyaring pinasyal ko ang anak ko.

Kahit maaga pa ay wala akong nagawa at umalis na kami. Paniguradong sarado pa ang Enchanted Kingdom ngayun kaya dinala ko muna siya sa park. Medyo marami marami ring mga bata ang naglalaro ngayun. Dahil summer nga at walang pasok.

Napatingin ako sa anak ko na nakaupo sa tabi ko at kumakain ng paborito niyang ice cream.

Pinagbigyan ko na siya kahit hindi ito pwede sa kanya dahil minsan lang naman. Kanina pa siya hindi umaalis sa tabi ko. Hanggang ngayun ay ayaw niya parin akong mawala sa paningin niya kahit kahapon pa kami magkasama at magkatabi pa kaming matulog.

Medyo nanibago nga ako kay Gino. Hindi na siya tulad noon na simple lang mag isip. Marunong na siyang kumilatis ng mga bagay bagay at alam niya na kung anong pinagkaiba ng mali sa tama.

Nagulat ako dahil hindi naman ganun mag isip ang isang limang taong gulang na bata. Para na siyang kasing edad ko mag isip at mabilis na siyang magkaintindi ng mga bagay. Hindi ko na siya kailangan paintindihin tulad noon. Mas matured na siya mag isip kumpara sa edad niya.

Napabuntong hininga ako at nagawi ang tingin ko sa malaking puno.

Binalot ako ng kaba ng makita ko na naman ang lalaking yun. Ang lalaking nahuli kong nakatingin samin kagabi sa labas ng Starbucks. Nakasuot ulit siya ng Hood at ang manipis niyang labi ay nakangisi sakin.

Bigla kong hinawakan ang kamay ng anak ko kaya napatingin siya sakin na may pagtataka sa mukha.

" Mama bakit po?"

Pakiramdam ko namumutla na ako malakas rin ang kabog ng dibdib ko. Bumalik ako sa lalaki. Pero wala na siya dun. Tanging malaking puno nalang ang naiwan sa pwesto niya kanina.

" Okay ka lang po, Mama?"

Natatarantang hinawakan ko ang kamay ni gino at iginiya siya patayo.

" May nang aaway po ba sayo? Mama?"

Napaawang ang labi ko at tinitigan ang anak ko na ngayun ay nakatingala sakin. Matalino nga siya. Bakit nagkaganito ang anak ko? Hindi pa siya dapat ganito mag isip. Ito ba ang resulta ng kapabayaan ko sa kanya?

Dinala ko na siya sa Enchanted Kingdom. Sobrang saya niya sinakyan namin ang lahat ng rides na pwede sa mga bata. Kumain rin ulit kami ng ice cream. Sobrang saya niya. Ngayun ko lang napansin ngayun ko lang pala nakita ang anak ko na ganito kalawak na ang ngiti. Palagi kasing tipid na mga ngiti ang binibigay niya sakin t'wing nakikita ko siya parang hindi tunay at pinipilit niya lang ngumiti para sakin.

Masyado kaming nag enjoy kaya di namin namalayang madilim na pala. Nilibot ko yung paningin ko. Kanina ko pa napapansin parang may pares matang nakasunod samin kahit saan kami pumunta. Umiling nalang ako at hindi ko nalang pinansin yun baka nag h- hysterical lang ako.

Masyado lang siguro akong maraming iniisip o na trauma lang sa mga nangyari kaya binibigyan ko ng kahulugan ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid ko.

" Balik po tayo ulit bukas mama ha?"

Ngumiti ako sa anak ko at ginulo ang buhok niya. Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi na ako pwede bukas. Sinadya ko lang tagala ibakante ang schedule ko ngayung araw para makasama lang siya.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now