Chapter 24

1K 31 2
                                    

Chapter 24

Ilang sandali lang ay tinawag na kami para sa dinner. Nagpapasalamat ako dahil mabilis lang at wala masyadong kwentuhan dahil ramdam ko ang mga matang nakatitig sakin. Kahit na nanginginig ang dalawang kamay ko. Pinilit ko nalang ubusin ang natitirang pagkain saking plato para di nakakahiya.
.


" Saan ka pupuntahan mhel ?" napatingin ako kay sheila.

" Sa likod. Magpapahangin lang."

Naniningkit ang mga mata niya at tinignan ako ng may kahulugang tingin na parang may iniisip na naman siya. Wala sa sariling napairap ako.

" Ano na naman yung iniisip mo sheila ?"

" Huuuh ? Ano ba yung iniisip ko?" Inosenting tanong niya pabalik at ngumiti sakin ng nakakaloko.

" Gusto mong sumama ?"tumawa siya.


" Gusto niyo maglive show sa harap ko ?" Malakas siyang tumawa. " Oy ! Wag muna mhel ah ? Baka masundan ."

Binato ko siya ng unan sa tabi ko. Ayun SAPOL. Masama niya akong tinignan ako naman yung tumatawa ngayun pati sina tamara at alex nakitawa narin. Muntik pa pumasok sa bunganga niya yung unan.


Tumalikod na ako at lumabas ng pinto. Tinahak ko ang madilim ng hallway ng mansyon. Ginamit ko yung cellphone ko bilang flashlight. At dahan dahang naglakad upang di makagawa ng ano mang ingay.

Nang marating ako sa likod sa may garden ay wala ning isang tao. Wala si tita. Naglakad pa ako sa damuhan at nilibot ang aking tingin.


" Mhelanie..." Napakunot ako at lumingon saking likod.

" Gin ?"

Nagsalubong ang aming mata at pareha kaming napakunot ng noo.

" Anong ginagawa mo dito ?/What are doing here ?" Sabay naming tanong.

" Pinapunta ako dito ni mama./ Pinapunta ako dito ni tita."

Napaawang ang kanyang labi. Tumikhim ako at nilibot ang aking tingin. Napatingin ako sa iba't ibang nakahilerang bulaklak hanggang sa dumapo ang tingin ko sa upuan sa tabi. Natigilan ako at napatingin kay gin na nakatitig rin pala sakin. Nandito pala ang upuang yun? Tumikhim ulit ako at nag iwas ng tingin.


" S- Sige ...p- papasok na ako."

Lalagpasan ko na sana siya ng hinawakan niya ako sa aking braso at hinila pabalik kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ko dahil di ko inaasahan yun. Naamoy ko yung pabango niya ay naramdaman ko na naman yung pamilyar na pakiramdam. Lumakas ang kabog ngpuso ko.

Napaangat ang tingin ko sa kanya at nagulat ako sa namumungay niyang mata.

Tila nahipnotismo ako at napatulala.


ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now