Chapter 37

1.1K 20 0
                                    

Chapter 37

" Ito po yung gamit ng asawa niyo. Natagpuan po namin yan sa may dulong iskinita sa dati nilang kuta. Nandiyan po yung I.D. niya , walet , at iba niya pong pribadong gamit. Ngunit hindi po namin nakita ang asawa niyo. Naglibot na po kami at nagtanong tanong sa mga bahay sa tabi ngunit walang may nakakita sa kanya. Nandun pa ngayun ang mga tauhan ko. Upang mag imbestiga. " tumango nalang ako sa kanya. Wala na akong lakas para magsalita pa. Wala rin namang mangyayari kung paiiralin ko ang galit ko. Alam ko ginagawa rin naman nila lahat.

Tumayo na ang mga pulis at nagpaalam. Pagkalabas ng mga pulis ay pumasok ang anak ko at si sheila. Nakasunod ang tingin ni sheila sa isang pulis. Kumunot ako ng noo. Nang tumingin siya sakin ay matalim ko siyang tinitigan. Inosenti naman siyang tumingin sakin at nagkibit balikat. Napabuntong hininga nalang ako at napailing.

Agad namang tumakbo palapit sakin si gino at umupo sa kandungan ko. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. Tumingin ako kay sheila. Na ngayun ay ayos na ayos.

" May pupuntahan ako. " tinaasan ko siya ng kilay. Inirapan niya lang ako at inayos ang pagkakulot ng buhok niya. "Mag ma-mall kami nina alex at tamara. Hindi ako makikipagdate. "

Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok ang lima. Agad nagkasalubong ang mata nila ni travis. Siya ang umiwas ng tingin at kunwari inaayos ang damit niya. Pero hindi parin bumibitaw ng tingin sa kanya si travis. Nagpabalik balik ako ng tingin sa kanila at ilang sandali pa ay tumikhim.

" Aalis na ako. " paalam niya.

" Tita sheila. " napatingin kaming lahat sa anak ko na ngayun ay di maalis ang pagkakayakap sakin. Ngumiti naman si sheila sa kanya.

" Yes , baby boy? " malambing na tanong nito sa anak ko.

" Pupuntahan niyo po ang 'baby' niyo po. " napaubo si travis. Ang iba naman ay tumawa. Napangiti ako at ginulo ang buhok ni gino.

Nanlaki ang mata ni sheila. Hindi makawala sa mata ko ang mabilisan niyang pagtingin kay travis. Agad siyang umiwas at tumikhim.

" Pupunta lang ako sa mall? May gusto ka bang ipagbili? " umiling si gino.

Hanggang makalabas si sheila ay nakasunod ang tingin ni travis sa pinto.

" Ano na naman ang ginagawa niyo dito? " isa isa ko silang tinignan. Napakamot ng ulo si peter.

" Akala namin nagbigti ka na e."

" Tito drek , Ano po yung bigti?" matalim ko siyang tinignan. Nagpeace sign naman siya sakin. Napairap ako.

" Magsilayas nga kayo! " pagtataboy ko sa kanila. Pero imbis na umalis ay tumawa lang sila. At naghanap ng kanya- kanyang upuan. Nakuha pang humiga ni travis sa couch. Si cavley ay nilaro pa yung bola ni gino.


" Dito muna kami! Bored kami sa life. Sinirado mo kasi ang Resto." si hope na nakaakbay sa kambal niyang si fortune. Tumango tango naman ang kanyang kambal.

" Ayun! Wala na kaming trabaho. Wala na kaming pera. " pag iinarte niya , nagtaas ako ng isang kilay.

" Pautang nalang. Bossing ka naman namin e. "

" Isasama niyo pa ako sa kalukuhan niyo. Wala ba kayong trabaho sa mga kompanya niyo?" tumawa si peter at binato si cavley ng bola. Pinagpasa pasahan nila ang bola ni gino. Sumali rin ang kambal sa kanila. Hanggang ginawa na talaga nilang play ground ang opisina ko. Tumawa si gino ng mahulog si travis sa upuan. Nakita kong nag eenjoy si gino sa panunuod sakanila. Kaya hinayaan ko nalang sila. Napailing nalang ako sa pagiging isip bata nila.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now