Chapter 19

1K 27 0
                                    

Chapter 19


BUHAY SI BOSS JORDAN. Totoong buhay siya! Panong nangyari? Kaninong bangkay ang nakita ng mga pulis?

IMPOSIBLE.

Paano niya nagawang makalusot sa mga autoridad? Isipin ko lang na nuhay siya nanunuyo na ang lalamunan ko. Nang makita ko siya kanina mahimatay na ako kung wala lang si jude sa likod. Bumalik sakin ang nangyari nung gabing yun. Ang Takot at kaba.

Ngayung nalaman Kong buhay siya. Posibleng mangyari ulit yun. Kailangan kong iwasan si Boss Jordan dahil alam ko humahanap lang siya ng tyempo . Alam kong may pinaplano siya. Ngayun ko lang napatunayan na to too nga na

Ang Masasamang damo matagal mamatay.

" Mhelanie... " napaawang ang labi ko ng makita kung sinong babae ang nag aabang sakin sa gilid.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Putok ang gilid ng kanyang labi. Puno rin ng pasa ang buo niyang katawan. At halos hindi na rin siya makalakad ng maayos paika ika siyang lumakad papalapit sakin papalapit sakin.

Puno ng takot ang kanyang mata at halos hindi niya na maidilat ang kanyang mga mata.

" S- Seline... Anong nangyari s-sayo?"

Tumigil siya sa harapan ko at hinawakan yung braso ko. May nakatali ring puting tela sa kanyang kamay puno rin ito ng dugo. Nakakatakot ang itsura niya kung hindi ko lang siya kilala baka tumakbo na ako papalayo.

Walang lumabas na salita galing sa bibig niya. Bumababa ang tingin ko sa kanyang kamay at tuhod na nangingig. Nangingilid rin ang luha sa mata niya at nangingig rin ang maputla niyang labi.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at iniabot sakin. Isang manipis at nakatuping papel. Napakunot ako ng noo at tinitigan siya sa kanyang mata. Tumango lang siya sakin. Kahit nagdadalawang isip ay kinuha ko ito sa kamay niya.

" Ano 'to? "

Sandaling nawala ang paningin ko sa kanya at bumaba ito sa papel na inabot niya sakin. Nang bumalik ako sa kanya ay nakita ko ang pagbigat ng kanyang hininga. Para siyang nauubusan ng hangin at mas lalong nangingig ang kanyang kamay.

Sinubukan ko siyang hawakan para pakalmahin pero umiwas siya at umatras. Nakatingin lang siya saking likod. Sinundan ko ang kanyang tingin.

Gumuhit na ang pagtataka saking mukha. Bakit siya natatakot sa lalaking to?  May ginawa ba ito sa kanya?

Binalik ko ang tingin ko sa kanya ngunit wala na siya sa pwesto niya sa harapan ko kanina. Napatingin uli ako kay Sir Neon na ngayun ay diretsang nakatingin sa pwesto ko. Nakapamulsa siyang umiling at tumalikod na. Sinalubong naman siya ni Madam.

Biglang nawala sa paningin ko ang dalawa. Nilagay ko sa bag ko yung papel .

" Mhel... "

Napatalon ako ng magsalita si jude sa tenga ko. Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang siya.

" Pinapatawag ka na ni bakla. Kunin mo na raw yung sweldo mo. " tumango lang ako.

Bumalik ang tingin ko sa pwesto ng dalawa kanina. Sa madilim na parte nakita ko na naman siya. Ang lalaking palaging sumusunod. Pero tulad ng dati hindi ko parin makita ang mga mata niya. Tanging maninipis na labi niya lang na nakangisi ang naanigan ko.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon