Chapter 18

1K 26 1
                                    

Chapter 18

" SASAMA KA SAKIN O SASABIHIN KO KAY GIN ANG TUNGKOL KAY GINO? "

Banta niya. Hindi ko maalis ang masamang titig ko sa kanya. Gumalaw pa yung panga ko. Hindi kabayaran ang pag ngisi niya sa pagkidnap niya Sa anak ko buong araw.

Halos mabaliw ako sa kakahanap kay gino at halos mamatay ako dahil sa pag aalala.

Tagos ang tingin ko sa kanya na halos patayin ko na siya sa utak ko. Pero parang natutuwa pa siya sa reaction at mukhang hindi pa siya natatakot. Tinagilid niya yung ulo niya at mas lalong lumawak ang kanyang ngisi.

" Mhel ! Calm down... Okay? Let's talk about business."

Sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak siya. Pakiramdam ko rinig sa buong baranggay ang tawa niya.

Wala sa sariling napailing ako. Nakalimutan ko baliw nga pala siya. Kailan pa kaya ako masasanay?

Bumuntong hininga ako at pinatilihing kalmado yung itsura ko. Pinapakita kong hindi ako apektado sa mga sinasabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

" First, ANAK ko Lang si gino. Second, Ano ba yung mga sinasabi mo? and, Third , Sino ba yung pinsan mo? "

Matapang na sinalubong ko ang kanyang mata. Tinitigan niya naman ako tila hindi makapaniwala tas bigla siyang tatawa.

Napalunok ako.

" Oh my god! Mhel! " tinapik niya ako sa balikat. " Your so funny !"

" Sheila. " blanko ko siyang tiningnan pero ramdam ko ang pamamawis ng making palad.
" Hindi na ako nagbibiro. "

Tumigil siya sa pagtawa at umayos ng upo. Bigla siyang nagseryuso. Pinagsalikop niya pa ang dalawa niyang kamay. Malalim ang pagkatitig niya sakin. Tagos hanggang buto ko. Sandali akong nailang at napaiwas ng tingin.

Ang bilis niyang magbago ng mood. Hindi ko na tuloy alam kong ano na yung tumatakbo sa isipan niya ngayun. Sheila, may hinala ka na ba? Alam mo na ba talaga?

" Hindi rin ako nagbibiro. " nagulat ako sa lamig ng kanyang boses. First time ko siyang nakitang nagkaganito.

Gumuhit yung mapaglarong ngisi sa labi niya. Biglang nanuyo ang lalamunan ko.

" FIRST, Kilala ko na ang ama ng anak mo. " napaawang ang labi ko. Napailing siya at nagpatuloy.

" SECOND, Alam mo yung sinasabi ko. "

Naramdaman ko na ang pawis na tumutulo galing saking noo.

" - And THIRD. Ex mo lang naman yung pinsan ko. " tuluyan ng nalaglag ang panga ko.

Bumukas sira yung bibig ko. Bigla siyang humalakhak. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan at nangilid pa yung luha sa mga mata niya.

" Got your tounge, mhelanie? Tama ang hula ko noh? Hula ko lang yun ! Ang galing ko na man?! "

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now