Chapter 29

957 20 2
                                    

Chapter 29

Nagising ako dahil sa ingay ng chismis ng kapit bahay na rinig sa kwarto ko . Napahawak ako sa aking ulo ng biglang sumakit ito . Napangiwi ako at hinilot ang noo ko . Napatingin ako sa relo . Tsk ! Dalawang oras lang pala yung tulog ko .

Alas singko palang ang ingay na ng mga kapit bahay . Anong meron . Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si gino na nanunuod ng cartoons habang umiinom na ng gatas ng makita niya ako ay tumayo siya at sinalubong ako ng yakap at hinalikan sa pisngi.

" Goodmorning mama! "

" Goodmorning baby! Magluluto lang si mama ng breakfast ?" nakangiting tumango ang anak ko at bumalik sa pwesto niya kanina.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang niyayakap ang unan sa sala . Iniwan ko na siya dun at pumasok na ng kusina . Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ng biglang pumasok si lona sa kusina . Muntik ko ng maibato sa kanya ang sandok dahil sa gulat . Napabusangot siya . Natatawang umiling nalang ako .

" Ate , bawas bawasan mong uminom ng kape . Magugulatin ka eh ." napataas ako ng kilay.

" Subukan mo kayang kumatok muna bago pumasok? Nang hindi ako magulat ."

" Sorry naman!"

Napailing ako at nagpatuloy sa pagluluto . Napatigil ako ng marinig ang patrol ng mga pulis sa labas . Nakasunod doon ang mga kapitbahay naming nakikiusyuso . Napakunot ako ng noo ang bumaling kay lona .

" Anong meron? "

" May nakitang patay na babae daw diyan sa may kanal sa tabi ng poste malapit kina Mang Bebeng . Mukhang ginahasa raw at puno ng saksak ng kotselyo ang buong katawan ."

Napaawang ang labi ko at wala sa sariling napatingin sa bintana. Kita ko pa dito ang kapitbahay na nagkukumpulan . Bigla akong kinabahan . Napainom ako ng tubig ng biglang nanuyo ang lalamunan ko.

" Okay ka lang ate? "

Tumango ako kay lona .

" Sino raw ang may gawa?"

Nagkibit balikat siya .

" Iwan , baka isa sa mga adik na tumatabay diyan sa ilalim ng poste t'wing gabi. "

Napabuntong hininga ako .

Saktong pumasok ang anak ko at ang pamangkin ni lona na si jason sa kusina .

" Mama! "

Nakangiting humarap ako sa kanya . Nanlamig ako ng makita kong anong bagay ang hawak hawak niya .

Baril ?

" Ahm ...ate? Nag mall nga pala kami kahapon . Bumili kami ng mga laruan nila ni jason . Pwede ba yan sakanya? Laruan lang naman yan . Walang bala . Umiilaw lang. "

Hindi parin ako nakakilos.

" Okay ka lang ate? " tila nagising ako ng may humawak sa kamay ko .

Bumaba ang tingin ko sa anak ko.

" Mama , okay ka lang po ba ?"

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa hawak niyang baril . Muntik ko ng makalimutan ang baril na nakatago sa ilalim ng unan.

Tumango ako sa anak ko habang nakatingin sa hawak niya . Napalunok ako . Ipinilig ko yung ulo ko at pinaupo na si gino.

Hanggang makalabas ako ng bahay . Mabilis parin ang pintig ng puso ko . Hindi ko maiwasang kabahan . Pakiramdam ko may sumsunod na naman sakin . Tumigil pa ako sa paglalakad at lumingon sa aking likuran pero wala namang tao . Ano na ba talaga ang nangyayari sakin ? Pakiramdam ko kasi iba na . Natatakot na ako sobra .

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now