Chapter 21

1K 35 3
                                    

Chapter 21

" BIRTHDAY NI GIN NGAYUN! " napatigil ako sa pagsusulat at napaangat ng tingin kay sheila.

Sinalubong niya naman ako ng malawak na ngiti.

Alam ko.

Napaiwas ako ng tingin at bumalik sa papel na sinusulat ko. Ilang oras na akong nagsusulat pero 20 words palang yata ang nasusulat ko. Iwan ko pakiramdam ko walang lumalabas sa utak ko.

Masyado akong maraming iniisip isa na dun ang Birthday ni Gin ngayun. Sigurado akong may pinaplano naman itong si sheila.

Naibagsak ko yung ballpen at napasubsob ang mukha ko sa arm chair. Naramdaman ko ang pagyugyog niya sakin. Umayos ako ng upo at masama siyang tiningnan. Napabuntong hininga ako.

" Ano na naman yung pinaplano mo?"

Humahalakhak siya kaya napataas ako ng kilay. Tinapik niya ako sa balikat.

" Ikaw naman masyado kang ADVANCE ."

" Kilala kita sheila. "

" Oo na nga! Wala naman akong pinaplano eh. " tiningnan ko siya na tila hindi kumbinsido sa mga sinasabi niya.

Tumawa ulit siya at nagseryuso tas tumawa ulit siya. Ihahatid ko na ba siya sa Mental. Wala na talaga siyang pag asa.

" Nababaliw ka na ba ha?  Sheila? "

" Oh?  Mhel!  Relax ... Kalma ka lang, Okay? Masyado kang high blood. Gusto lang kitang imbintahan. Magsasarado ang Resto niya ngayun tapos may inuman. Sama ka ha? " tumawa siya. " Oo nga pala!  You can say NO or else?-," gumalaw yung panga ko. She's blackmailing me again!

Seryusong mukha ang ipinakita ko sa kanya. Hindi niya yun pinansin. Tumawa lang siya at umalis na sa harapan ko. Wala talaga akong choice.



" HAPPY BIRTHDAY INSAN! Here's my gift ." tinulak niya ako.

Nanlaki ang mata ko at muntik ng masubsob ang mukha ko sa sahig kong wala lang kamay na humawak sakin.

Napaangat ang tingin ko kay gin. Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mukha at matalim niyang tiningnan si sheila. Na ngayun ay nagngingiti Pa na parang naiihi. Bumalik ang tingin niya sakin at nagkasalubong ang aming mga mata.

Nakahawak parin siya sa magkabilang braso ko. Bumaba ang tingin niya at nahuli ko siyang nakatitig sa labi ko. Napakunot ako ng noo. Nakaramdam ako na parang nagkakarera sa bandang dibdib ko. Naamoy ko narin yung pamilyar niyang pabango. Kahit di ko aminin sa loob ng ilang taon ay namiss ko. Napakurap kurap ako.

Ano ba tong iniisip ko? Gusto ko siyang itulak dahil masyado na siyang malapit sakin.

Ngunit sinusunod ng katawan ko ang sinasabi ng aking utak. Napaawang ang aking labi. Pakiramdam ko nahihirapan na akong huminga. Di ko namalayang nakakapit na pala ako sa kanyang damit. Tila na hipnotismo ako sa kanyang kayumangging mata.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt