Chapter 39

1.2K 24 0
                                    

Chapter 39

" Mama! Mama! " napabitaw ako sa pagkakahawak kay gin at napatingin sa pinto. Tumulo yung luha ko ng makita ang aking anak.

Tumakbo siya papalapit samin ni gin. Sinalubong siya ni gin at kinarga papalapit sakin. Agad niya akong niyakap. Natawa si Gin at ginulo ang buhok niya. Niyakap ko rin siya pabalik at ngumiti kahit patuloy sa pagdaloy ng luha galing saking mata.

Akala ko hindi ko na siya makikita. Akala ko hindi ko na siya makakasama. Akala ko hindi ko na siya mayayakap. Posible palang iiyak ka sa sobrang saya at yun ang nararamdaman ko ngayun.

Naramdaman ko ang braso na nakapalibot sa baywang ko. Umangat ang tingin ko kay gin. Ngumiti siya sakin , yumuko at hinalikan ako sa noo.

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si sheila kasunod niya ang banda ng Zoom. Nangunguna si Travis na nasa likod niya. Nagulat ako sa dami nila. Ang lalaki at ang tatangkad pa nila kaya parang nagsisikan na kami dito sa loob. Nagkanya- kanya silang upo. Si Travis naman ay lumapit samin at tinapik ang balikat ni gin.

" Naks pare! Happy ending na yan ah? " ngumiti lang si gin at napailing at mas lalo akong hinapit para mayakap pa kami ni gino.

" So , kailan ang kasal? " bumaling ako kay sheila. Na ngayun ay nagngingiti.

" Soon. " si gin yung sumagot. Napangiti narin ako.

" Mama , wag ka ng umalis ah?"

Bumaba ang tingin ko sa anak ko.

" Hindi na ako aalis , gino. " napangiti siya at lumabas yung dimples niya. Umangat ang tingin ko kay gin. Ganun rin siya nakalabas rin yung dimples niya. Napailing ako. Mag ama nga silang dalawa.

" Papa? Papakasalan niyo po si mama?" tanong ni gino habang nakatingala sa kanya. Nakangiting tumango siya sa anak ko at ginulo ang buhok nito. " Dapat po diba may singsing? Tita sheila! " napakunot kami ng noo.

" Yes , baby?"

" Pahiram po si papa ng singsing." Napaawang ang labi ni sheila. Parang bigla siyang nanlamig. Napakunot kami ng noo dahil wala naman siyang singsing sa kamay.

" S- Sing...s..s- sing...?" nauutal niyang tanong. Para siyang naubusan ng hangin at biglang namutla.

" Opo , ang nasa leeg niyo po. "

Napatingin kaming lahat sa kanyang leeg. May dalawang singsing nga dun at ginawa niyang kwentas. Mabilis niya iyung hinawakan at nanginginig ang kamay na itinago. Mas lalo siyang namutla at hindi makatingin samin lalo nasa katabi ni gin na ngayun ay nakakunot ang noo.

Tumikhim ako.

"What are you all doing here?" Basag ni gin sa katahimikan para maiba ang usapan.

" Makikibalita at manghihingi ng libre. So , kailan mo kami e lilibre? "

" Oo nga gin! Kahit Isaw lang at Beer. " matalim silang tinitigan ni gin.

" Hindi na mauulit yun."

Bumusangot ang kambal. "Yaman yaman mo . Kuripot ka." Tumingin siya sakin. " Wag mong pakasal 'to."

Dumilim ang mukha niya at binato ng unan si hope. Tumawa ang magkambal at pinaulanan pa siya ng tukso.

" Magsilayas nga kayo! "

Sabay sabay silang umiling.

" Kakadating lang namin e. Dito muna kami wala kaming matambayan. " si drek habang naglalaro sa kanyang cellphone.

" Baka nakakalimutan niyo hospital 'to?"

Tumingin ako kay sheila na biglang natahimik. Ngumiti ako sa kanya.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now