Chapter 27

972 26 3
                                    

Chapter 27


SASABIHIN KO NA SA KANYA. Yun ang desisyong bumuo sa isipan ko ngayun habang nakatingin sa mga dinadaanan namin. Bumabyahe na kami pauwi at si Gin ang nagda- drive. Ako naman ay nasa tabi niya at nakatingin sa bintana.

Pag apak na pag apak namin sa maynila ay dadalhin ko na sa kanya si Gino. He will be a great Father. I'm sure of that.

Narealize ko na wala naman dapat katakutan. Siguradong magagalit siya pero alam kong hindi niya naman kukunin sakin si gino. Wala rin naman siyang asawa. He confessed and proposed on me.

Pano pa kaya pagnalaman niyang may anak siya ? Baka hilahin niya na ako papuntang simbahan.

Tumaas ang sulok ng labi ko. Naramdaman kong may malaking kamay na pumatong sa mga kamay ko. Bumaba ang tingin ko dito at umangat ng tingin sa kanya.

Nasa daan ang kanyang tingin pero kita ko sa gilid ang multong ngiti na kumawala sa kanyang labi.

Tumikhim ako at tinaasan siya ng kilay. Sumulyap siya sakin at kinindatan ako. I feel my heart is pounding again.

Inirapan ko nalang siya at tumingin sa bintana kahit na parang nabibingi na ako sa kabog ng dibdib ko.

Pagkarating namin sa maynila ay gabi ay doon niya nalang kami pinatulog sa bahay ni sheila. Hindi na lang ako umangal dahil gabi narin.

" Where's my goodbye kiss ?" napatulala ako.

" H- Ha ?"

Lumingon ako sa pwesto nina sheila . Nakangisi siya habang nakatingin saming dalawa. Humarap ako kay gin. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. Napakagat ako ng ibabang labi ko.

Tumingala ako sa kanya at mabilis siyang dinampian ng isang halik.

Napaawang ang labi niya . Hindi siya nakagalaw . Mabilis namang nag init ang pisngi ko ng marinig ko ang tilian ng mga kaibigan ko sa likod.

Hindi ko na siya hinintay at tinalikuran ko na siya . Hindi ko na kinaya ang kahihiyan . Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ko ba't ko ginawa yun.

I think I'm going CRAZY. Simula nung halikan niya ako sa resto ay naadik na ako at parang gusto ko ng ulit ulitin.

Mabilis akong tumakbo papunta kina sheila at tulad ng inaasahan ko ay pinaulanan talaga nila ako ng tukso. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang makapasok kami ng bahay niya pero ramdam ko parin ang pamumula ng buong mukha ko.

Napatulala ako sa ceiling . Ilang beses ko ng sinubukang ipikit ang mata ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Napalingon ako sa mga babaeng katabi ko na natutulog na dahil sa pagod sa byahe. Si sheila ay humihilik pa. Natawa na lang ako.

Hanggang sa pagtulog maingay parin siya.

Dahan Dahan akong bumangon . Sobrang ingat ko na hindi makagawa ng ano mang ingay baka magising sila. Lumabas ako ng kanyang kwarto at bumaba papunta sa kusina.

Binuksan ko yung ref . Hindi naman siguro magagalit si sheila pag pinakailaman ko yung ref niya diba . Siguro gutom lang ako kaya hindi ako makatulog.

Kinuha ko ang sandwich sa ref at nagtimpla ng gatas . Natawa nalang ako sa sarili . Dahil parang feel at home lang yung peg . Hindi manlang ako nahiya.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now