Chapter 6

1.4K 38 2
                                    

Chapter 6

"SINO KA ? BITAWAN MO AKO !?"

Kinagat ko yung palad niyang magaspang at maalat at humarap ako sa kanya tsaka tinuhod ang harapan niya. Mabilis akong tumakbo at iniwan siyang namimilipit sa sakit pero bago pa akong makababa ng tuluyan ay may mga lalaking nakaitim na humarang sakin.

Nakita ko ang pagnanasa ng lalaking nasa harap ko ang iba naman sa kanila ay namumula pa ang mata. Nagsitaasan ang mga balahibo ko kasabay ng panginginig ng tuhod ko.

Narinig ko ang papalapit na yapak sa likod ko na parang tumatakbo. Lumingon ako at nakita ko si Boss Jordan na nakahawak sa kanyang gitna at namimilipit parin sa sakit pero nakangisi parin sakin. Nilibot ko yung paningin ko. Pinalilibutan na pala ako ng mga adik niyang tauhan at wala na akong malulusutan.

Gusto kong umiyak pero pilit ko paring pinapagana yung utak ko. Isipin mo si gino mhel. Kailangan mong umuwi sa anak mo. Kailangan ka ng anak mo.

Pasimple kong kinuha sa bulsa ko ang maliit na kotselyo na palagi kong dala dala. Pumikit ako at nagdasal. Mahigpit pero nanginginig ang pagkakahawak ko dito.

" Damputin niyo ang malanding babaeng yan ! " gumalaw naman yung mga tauhan niya.

Nilibas ko yung hawak ko at itinutok ito sa kanila. Narinig ko silang nagtawanan ang iba ay napapangisi at napapailing nalang. Nanginginig yung kamay ko pati narin yung tuhod ko. Malakas rin ang kabog ng dibdib ko. Pano ko sila matatakasan higit sa sampo ang bilang nila at malalaki rin ang katawan nila. Karaniwan pa sa kanila ay kalbo kaya hindi ko masabunutan. FUCK ! MHEL !? Naisip mo pa yun? Napailing ako at mas tinapangan yung mukha.

Hindi ako pwedeng maging mahina ngayun. Hindi ko pwedeng iwan si gino. Hindi ito ang katapusan ko.

Walang takot na lumapit sakin ang lalaking may hikaw sa ilong at hinawakan ang kamay kong may hawak na kotselyo. Nanlaki yung mata ko at sandaling napaatras. Nagtawanan yung mga kasamahan niya na nanunuod lang sa ginagawa niya. Ibinalibag niya yung kamay ko kaya nabitawan ko yung kotselyo.

Gusto kong maupo sa sakit parang may naipit na ugat sa braso ko. Lalong lumakas ang tawanan nila. Tuluyan ng nakalapit samin si Boss Jordan na ngayun ay paika- ikang maglakad. Umatras ako sa kanila pero may humawak na kamay sa likod ko. Yun yung kalbo na tinutukan ko ng kotselyo. Nanunuyo ang lalamunan ko at wala paring tigil ang kabog ng dibdib ko mas lalong bumibilis bawat segundo.

Pinalandas niya ang kanyang magaspang na palad sa aking balat na nagpatayo ng mga balahibo ko.

" Boss Jordan... maawa po kayo please... may anak po a- ako."

Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko. Tinabi niya yung buhok na nagkalat sa mukha ko at nilagay sa likod ng aking tenga. Ramdam ko ang pawis na tumulo galing sa noo ko patungo ng aking leeg.

" Madali lang naman sana akong kausap , my darling mhelanie. Madadaan mo naman ako sa masinsinang usapan. Kung hindi ka lang nagmatigas!"

Pinalandas niya yung daliri niya mula sa pisngi ko pababa ng leeg ko tsaka ako sinakal.

"Kaya dadaanin kita sa pwersahang usapan!" naramdaman kong hinaplos niya yung hita ko kahit nakasuot ako ng maong.

" Mawkk ...pkkk...kyukkk.--., " hindi na ako makapagsalita ng maayos. Nakaawang ang labi ko at hinahabol ko nalang ang hininga ko.

Nagtawanan ang mga tauhan niya at siya naman ay parang nasisiyahan sa ginagawa niya.

Binatawan niya ang leeg ko. Napahawak naman ako dito. Napaluhod ako at hinabol ko yung hininga ko. Ramdam ko ang pawis na kumakalat sa buong katawan ko. Lumuhod siya para magpantay ang mukha namin. Itinaas niya yung mukha ko.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now