Chapter 5

1.5K 36 0
                                    

Chapter 5

" SAAN KA PUMUNTA KAHAPON? Hindi ka nakita ng pinsan ko."

Nagpapadyak si sheila na parang bata. Lumapit samin si alex na may dala na namang lollipop. Inirapan siya ni sheila. Natawa naman siya sa naging reaction ng kaibigan niya na parang sinasadya niya talagang asarin ito.

Hinawakan niya ako sa braso at tumingin saking mata na parang kawawang aso.

" Sama ka samin mamaya mamasyal tayo sa mall at pupunta tayo sa Resto Bar ni Insan ! "

Umiwas ako ng tingin.

" May trabaho ako sheila."

Bumusangot siya.

" Pinsan ko ang may ari ng coffee shop na pinagtatrabaho han mo. Ipapalam kita mamaya ."

Napailing ako at walang gana siyang tiningnan. "Sumama ka na... sasama si alex at kukulitin natin si tam mamaya."

Niyugyog niya yung braso ko pero umiwas lang ako ng tingin.

" Kayo nalang."

Padabog na umupo siya sa tabi ko.

"Pupunta kami sa bahay mo mamaya!"

Yun ang palaging banta niya sakin dahil alam niyang effective. Akala nila nahihiya lang akong ipakita yung bahay ko at hindi nila alam na may anak ako. Buti hindi ko sinabi sa kanila. Buti hindi nakita ni sheila ang anak ko dahil sa unang kita palang makikilala mo na agad kong sinong ama ni gino. At sigurado akong manghihinala siya.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya.

Unti- unting lumapad yung ngiti niya at biglang nagtalon talon. Napailing nalang ako at sinubsob ang mukha ko sa upuan. Biglang dumating si Tam at siya naman ang kinulit ng dalawa. Ngumisi ako. Damay damay nato.

Napapayag namin siya at dumiretso kami ng mall pero bago yun tudo kilig ang binigay niya samin dahil sa pagpansin sa kanya ng crush niya. Pero umakto siya na parang walang. Pa weather rin yung ugali ni Tam noh? Minsan mainit. Minsan malamig. Hindi mo talaga siya maintindihan. Si Cristan lang talaga ang nakakaintindi sa kanya.

Sinadya kong tumigil sa lahat ng madadaanan namin para lalo kaming tumagal. Parang gustong gusto naman ng dalawa pero nung napabaling ako sa gawi ni Tam ay patingin tingin siya sa kanyang relo. Tumingin rin ako sa cellphone ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang oras. WHAT? Limang oras na pala kami dito sa mall?

Lumapit samin si sheila at inakbayan ang mga balikat namin.

" Punta na tayo sa Resto Bar ng pinsan ko !"

" Hindi pa ba kayo napapagod ?"

D makapaniwalang tanong ni tam. Tiningnan ko siya na parang siya ang sagot sa hiling ko.

" Sasama si alex. Pati narin itong si mhel. Diba ? Mhel?"

Kinindatan niya ako . Tumalon talon yung dalawa at nauna ng maglakad. Sabay kaming napabuntong hininga ni Tam. Napatingin ako kay Tam. Ano kaya ang problema niya ? Malamang si Cristan. Si Cristan lang naman lagi yung problema niya. Iniisip ko. Pano kaya kung wala si cristan ?

" Makikita ni mhel ang pinsan ko~ "

Kanta ni sheila kaya lahat ng taong napapadaan samin ay napapatingin samin. Tudo support naman sa kanya si alex at naging second voice niya pa. Napailing nalang kaming dalawa ni Tam.

Ito na mhel... Wala ng atrasan. Makikita mo na yung ama ng anak mo. Iniisip ko palang yun ay malakas na ang kabog ng dibdib ko parang hindi ako makahinga.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now