Chapter 32

994 23 2
                                    

A/n: Hi guys! Tatlong araw ko natapos yung Chapter na'to . Pinakinggan ko talaga kasi yung comments niyo na masyadong BITIN ang mga Updates ko . So ,  dinagdagan ko ng dinagdagan  kaya ito ang naging resulta sana magustuhan niyo 😊😊. Happy reading !

Chapter 32

" He almost mortaly wounded -, " nakatulala lang ako habang nakatingin sa doktor. Kung saang parte na sinabi niya na okay na ang anak ko ay hindi ko maintindihan.

" Ano pong ibig niyong s- sabihin? Okay na po yung a- anak ko d- diba...? "

Tumango siya. Napapikit ako at nakahinga ng maluwag. Parang may humugot ng nakabaong pako sa dibdib ko.

" Your son is recovering now. It's a miracle na nadamplisan lang ng kotselyo ang puso niya. Hihintayin nalang natin siyang magising para e- check ang paghinga niya at masiguradong ayos na talaga ang kalagayan niya. "

Wala sa sariling tumango ako sa doktor. Hanggang makaalis na siya ay nanghihinang napaupo ako sa upuan sa tabi. Naramdaman kong inalalayan ako ni lona.

" S- Si ..no ang g- gumawa sa a- anak ko lona? " wala siyang puso!

Halos mawalan ako ng hininga habang hinihintay ang doktor na makalabas sa Emergency Room. Malakas ang kabog ng dibdib ko at kung wala lang si lona para alalayan ako ay baka bumagsak na ako sa sahig.

Bakit yung anak ko? Bakit nila ginagawa sakin 'to?

" A- Ate , hindi ko po a- alam. Bigla nalang umalis si gino kanina na parang may sinusundan nung lumabas ako nakita ko na siyang duguan."

May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot sakin.

" Hawak ito ni gino , ate. "

Napatingin ako sa pirasong papel na hawak niya. Ilang segundo pa ako ditong tulala bago inangat ang nanginginig kong kamay para kunin ito.

Napaawang ang labi ko ng mabasa kong anong nakasulat.

" I could do more than that.

Showing your body is a simple thing mhelanie... "

Wala sa sariling pinunit ko yung papel at pinagpira- piraso.

Napahilamos ako ng mukha. Di ko namalayang tumutulo na pala ang aking lona. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si lona. Napasandal ako sa balikat niya at doon na tuluyang umiyak.

" M- Mama..." Nanlaki ang mata ko ng makitang gising na ang anak ko. Nagkatinginan kami ni lona.

" G- Gino? "

Maingat ko siyang niyakap at hinalikan siya sa noo.

" M- Mama , y- yung lalaki. "

" Shhh.... baby , hindi ka na nila malalapitan at masasaktan. Nandito na si mama. "

Naramdaman kong tumango siya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang maliit niyang mukha. Tumingin ako sa kayumanggi niyang mata.

Nag umpisa na namang mangilid yung luha sa mata ko.

Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang doktor ni gino. Nasa likod niya si lona. Pumasok rin ang dalawang nurse at chineck ang vitalsigns niya at ang sugat sa dibdib niya.

Aalis sana ako sa tabi ni gino dahil may itatanong sa kanya ang doktor pero pinalibot niya ang braso niya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Napabuntong hininga ako. Ngumiti nalang yung doktor at tumango sakin.

" Gino? Hindi ba masakit yung dibdib mo? Hindi ka ba nahihirapang huminga? "

Tumingin sakin at anak ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now